Paano Ko Malalaman [at Matutuhan] ang Mga Batas ng Relihiyong (Islam)?

Paano Ko Malalaman [at Matutuhan] ang Mga Batas ng Relihiyong (Islam)?

Ang Propeta ﷺ ay nagsabi: “Itinayo ang Islam sa lima: Ang pagsaksi na walang Diyos (na dapat sambahin) maliban sa Allah at si Muhammad ay Sugo ng Allah, ang pagsasagawa ng Salaah (pagdarasal), ang pagbibigay ng Zakaah (kawanggawa), ang pagsasagawa ng Hajj (pilgrimahe) sa Tahanan (Ka`bah) at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan”. (Al-Bukhari: 8 – Muslim: 16)

Ang Limang Haligi ng Islam :

Ang Pinakadakilang Pagpapala

Ang Allah ay nagkaloob sa tao ng mga biyaya nang walang takdang bilang nito, kaya nananatiling nagpapakasasa ang bawa’t isa sa atin sa mga biyaya at kabutihang-loob ng Allah. Kaluwalhatian sa Kanya, Siya ang nagkaloob sa atin ng biyaya ng pandinig at paningin pag-iisip, kalusugan, kayamanan at pamilya. Kanyang itinalaga sa atin [ang pangangasiwa] ng kabuuan ng sansinukob, ang araw, ang kalangitan, ang kalupaan nito at ang mga di-mabilang na bagay, tulad ng sinabi ng Allah: {At kung inyong bibilangin ang pagpapala ng Allah, kailanman ay hindi ninyo maitatakda ang bilang nito}. Surah An-Nahl (16): 18

Read More Ang Pinakadakilang Pagpapala