
Ang Layunin ng Ating Pagkakalikha (o Pagkakaroon ng Buhay)
Kapwa nalilito ang maraming pilosopo [matatalinong] tao at mga karaniwang tao sa pagsagot sa pinakamahalagang tanong sa buhay nating ito:
Bakit ba tayo naririto (sa mundo)?
Ano ang layunin ng ating buhay?
At sa katotohanan, binigyang-linaw ng Qur’an ang hangarin at layunin ng pagkakaroon ng buhay ng tao nang may lubusang pagpapaliwanag ayon sa sinabi ng Allah: {At hindi Ko nilikha ang Jinn at tao kundi upang Ako ay kanilang sambahin lamang}. Surah Az-Zariyat (51): 56. Samakatuwid, ang Ibaadah (pagsamba) ang siyang layunin ng pananatili natin dito sa daigdig na ito at maliban dito ay mga karagdagang bagay lamang na ating ginagamit para sa pagsasakatuparan ng Ibaadah.
Nguni’t ang Ibaadah ayon sa Islamikong konsepto (pananaw at kahulugan) ay hindi pagkakait at pagtatakwil sa mga karangyaan at kasiyahan ng buhay, bagkus ito ay sumasaklaw din sa pagsasagawa ng Salaah (pagdarasal), pag-aayuno at pagkakawanggawa, at lahat ng gawain ng tao, pakikipag-ugnayan, maging ang kanyang paglalaro at pagpapakaligaya, hangga’t may kalakip itong mabuting layunin at mahusay na hangarin. At dahil dito ang Propeta ﷺ ay nagsabi: “Sa bawa’t bahagi ng katawan ng isa sa inyo ay Sadaqah (kawanggawa)”. Ang ibig sabihin nito, ang isang Muslim ay nagtatamo ng kabayaran at gantimpala maging sa kanyang pakikipagtalik sa kanyang asawa.
At sa gayon, ito ay nagiging [mga gawaing pagsamba] ang Ibaadah na siyang layunin ng buhay; mga katotohanang bahagi ng buhay , kaya ang isang Muslim ay palipat-lipat sa iba’t ibang uri ng mga Ibaadah [pagsamba]. Tulad ng sinabi ng Allah: {Sabihin mo (O Muhammad): Katotohanan, ang aking pagdarasal, ang aking pagkatay ng hayop (bilang sakripisyo), ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang}. Surah Al-An`am (6): 162