
Ang Pag-aaral sa mga Batas ng Islam
Nararapat sa isang Muslim ang maging masigasig sa pagsasaliksik at pag-aaral ng mga batas ng Islam upang ito ay kanyang maipatupad bilang Ibaadah para sa lahat ng mga aspeto ng kanyang buhay, sa kanyang mga pagsamba, mga transaksyong kalakalan at mga pakikipagugnayan nang ayon sa wastong karunungan at kaalaman, tulad ng sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: “Sinuman ang nais ng Allah na igawad sa kanya ang kabutihan, Kanyang palalawakin para sa kanya ang pang-unawa sa relihiyon (Islam)”. (Al-Bukhari: 71 – Muslim 1037).
Kaya tungkulin niyang pag-aralan ang mga batas na ginawang tungkulin [na dapat tupdin] para sa kanya, tulad ng pamamaraan ng pagsasagawa ng Sah (pagdarasal), Taharah (paglilinis sa pamamagitan ng Wudu’ o Ghusl), gayundin ang mga ipinahihintulot at ipinagbabawal sa mga pagkain at inumin at iba pa rito, nakabubuti rin para sa kanya ang pagaaral sa mga katuruan na kaaya-aya sa Islam bagaman hindi naman ginawang tungkulin [na dapat tupdin] para sa kanya.
