Ang mga Islamikong Batas :

Ang mga Islamikong Batas :


Lahat ng salita ng tao at ng kanyang mga kilos ay inuuri sa batas ng Islam Batay sa limang kalagayan:

Waajib [Kailangan at Dapat]
Ito ay ang mga ipinag-uutos ng Allah na ang gumagawa [o tumutupad] nito ay Kanyang ginagantimpalaan at pinarurusahan ang hindi gumagawa [o tumutupad] nito, katulad ng [takdang] limang pagdarasal at pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.
Haraam [Bawal] 
Ito ay ang mga ipinagbabawal ng Allah na ginagantimpalaan Niya ang tumatalikod o umiiwas nito at pinarurusahan Niya ang gumagawa nito, katulad ng pangangalunya at pag-inom ng alak.
Mustahabb [tinawag din ito bilang Sunnah at Kaaya-aya]
Ito ay ang itinatagubilin ng Islam ang paggawa nito na kung saan ay ginagantimpalaan ang gumagawa nito at hindi pinarurusahan ang hindi gumagawa nito, tulad ng pagngiti sa pakikipagharap sa mga tao, at ang pagbati ng Salaam sa kanila, at ang pag-alis ng mga dumi sa daan.
Makrooh [Kinamumuhian]
Ito ay ang mga itinatagubilin ng Islam na iwasan na kung saan ay ginagantimpalaan ang umiiwas o hindi gumagawa nito, datapuwa’t hindi pinarurusahan ang gumagawa nito, tulad ng paglalaro ng mga daliri habang nagsasagawa ng Salaah (pagdarasal).
Mubaah [Pinahihintulutan]

Ito ay nauukol sa mga gawain na hindi ipinagbabawal at hindi rin naman ipinag-uutos, tulad ng pagkain, pag-inom at pagsalita.