Al-Hadath (Ang Kalagayan [o Antas ng] Karumihan)

Al-Hadath (Ang Kalagayan [o Antas ng] Karumihan)


  • Ang Hadath ay tumutukoy sa isang kalagayan o antas ng karumihan na hindi nakikita [o hindi nasasalat at nahihipo] na pumipigil sa isang Muslim upang siya ay makapagsagawa ng Salah (pagdarasal) malibang ito ay kanyang alisin sa pamamagitan ng paglilinis, at ito ay hindi isang bagay na [pisikal o] nakikita tulad ng Najasah (karumihan).
  • At ang Hadath [Kalagayan ng karumihan] ay natatanggal mula sa isang Muslim kapag siya ay nagsagawa ng Wudhu’ (paghuhugas) o naligo sa pamamagitan ng tubig na Tahur (likas na malinis). At ang tubig na Tahur - ito ay tubig na hindi nahaluan ng Najasah (karumihan) at walang [anupamang masamang] idinudulot ang kulay nito, ang lasa nito at ang amoy nito.



  • At ang Hadath [Kalagayan ng Karumihan] ay nahahati sa dalawang antas:
    • 1

      Hadath na nangangailangan sa tao ng pagsasagawa ng Wudhu’ upang ito ay matanggal mula sa kanyang sarili, at tinatawag natin itong (Hadath Asgar o maliit na antas ng karumihan].

    • 2

      Hadath-Akbar - nangangailangan sa tao ng pagsasagawa ng ganap na paliligo at pagbabasa ng kanyang buong katawan ng tubig upang ito ay matanggal sa kanyang sarili, at tinatawag natin itong (Hadath-Akbar o malaking antas ng karumihan).



Ang Hadath Asgar (maliit na antas ng karumihan) at ang [pangangailangan ng] Wudhu’


Nawawala ang bisa ng Tahara [kalinisan at kadalisayan] ng isang Muslim kaya kinakailangan sa kanya na magsagawa ng Wudu’ (paghuhugas) para sa Salah (pagdarasal) kapag nangyari sa kanya ang isa sa mga sumusunod na nakapagpawalang-bisa:


1

Ang ihi at dumi (tae) at ang lahat ng mga lumalabas mula sa dalawang pinaglalabasan nito, tulad ng pag-utot. Ang Allah ay nagsabi tungkol sa pagbanggit sa mga nakapagpawalang-bisa sa Taharah (kalinisan at kadalisayan): {O ang isa sa inyo ay nanggaling mula sa palikuran}. An-Nisa’ (4): 43

At siya  ay nagsabi sa sinumang nag-aagam-agam kung may Hadath [naganap na karumihan] sa kanya sa pagdarasal: “Siya ay hindi [dapat] umaalis hanggang makarinig siya ng tunog at kanyang maramdaman ang [paglabas ng] hangin (o ang pag-utot)”. (Al-Bukhari: 175 – Muslim: 361)


2

Ang paghaplos sa maselang bahagi ng katawan nang walang sapin. Sapagka’t katotohanan, siya  ay nagsabi: “Sinuman ang humaplos ng kanyang ari ay nararapat magsagawa ng [panibagong] Wudu’ (paghuhugas)”. (Abu Daud: 181)


3

Ang pagkain ng karne ng kamelyo, at sa katunayan, ang Propeta ﷺ ay tinanong: “Kami ba ay [nararapat] magsagawa ng Wudhu’ dulot ng [pagkain ng] karne ng kamelyo? Siya ay nagsabi: “Oo”. (Muslim: 360)


4

Ang pagkawala ng malay sanhi ng pagkatulog, pagkabaliw o pagkalasing.