- An-Najasah: Ito ay nagpapahiwatig ng mga bagay na nakikita [o nasasalat o nararamdamang] na itinuring ng Batas ng Islam bilang marumi, [o masagwa, salaula, mahalay, malaswa at di-malinis] kaya naman tayo [bilang Muslim] ay inutusang maglinis [magtanggal] nito bago magsagawa ng Ibaadah (iba’t ibang uri ng gawaing pagsamba).
- At ang lahat ng bagay ay itinuturing na likas na malinis [o dalisay], at ang pagiging marumi [malaswa, salaula at masagwa] ay hindi sinadyang mangyari [o nagawa]. Kaya kung tayo ay nag-alinlangan [o may agam-agam] halimbawa sa kalinisan ng isang damit samantalang wala naman tayong makitang patunay ng pagkaroon ng dumi, magkagayon [dapat na] isaalang-alang ito bilang malinis na bagay.
- At kapag nais natin magsagawa ng Salaah (pagdarasal), itinakda sa atin [bilang tungkulin] na maglinis mula sa mga karumihan ng katawan at damit, gayundin sa lugar na pinagsasagawaan natin ng Salaah.
At ang mga bagay na marurumi [at salaula]:
1 | Ang ihi ng tao at ang kanyang dumi (tae). |
2 | Ang dugo, bagaman ipinagpapaumanhin ang kaunting (bahid ng) dugo. |
3 | Ang ihi at dumi (tae) ng lahat ng hayop na ipinagbabawal kainin. (Tingnan ang pahina203) |
4 | Ang aso at ang baboy. |
5 | Ang mga patay sa mga hayop (ang tinutukoy ay ang lahat ng mga hayop na namatay, maliban sa mga ipinahihintulot na kainin kung kinatay ito sa Islamikong Pamamaraan. (Tingnan ang pahina204), samantalang ang patay na tao, mga isda at mga kulisap, tunay na ang mga ito ay malilinis. |
Ang paglilinis mula sa Najasah (Dumi)
Sa paghuhugas ng mga Najasah sa katawan, damit at lugar o iba pa rito – sapat na tanggalin ang mismong [bagay na nagdudulot ng] karumihan nito at ang pinagmumulan nito sa lugar na narumihan sa anupamang pamamaraan, maaari itong gawin sa pamamagitan ng paggamit ng tubig o iba pa, sapagka’t ang Allah ay nag-utos na tanggalin ito at wala Siyang kondisyong itinakda sa paghuhugas ng dumi hinggil sa partikular na bilang [ng paglilinis] maliban sa dumi ng aso (ang laway nito, ang ihi at tae nito), sapagka’t itinakda sa kondisyon dito ang [pangangailangan ng] pitong [ulit na] paghuhugas at ang isa rito ay sa pamamagitan ng lupa, samantalang ang nalalabing mga dumi ay sapat na ang pagtanggal sa mismong dumi nito at pinagmumulan nito. At walang idinudulot [na masama] ang pananatili ng kulay o ng amoy. Batay sa sinabi ng Propeta ﷺ sa isa sa mga babaing Sahabah (kasamahan) tungkol sa paghuhugas ng dugo ng regla: “Sapat na sa iyo ang paghugas sa dugo at walang idudulot [na masama] sa iyo ang bakas [ng dugo] nito”. (Abu Daud: 365)

Sapat na sa pagtanggal ng Najasah (dumi) na mawala ang mismong dumi nito sa pamamagitan ng anumang tagatanggal.
Ang Mga Wastong Pamamaraan o [Kagandahang asal ng] Al-Istinja’ (Paghuhugas ng Dalawang Labasan [ng ihi at dumi] sa Pamamagitan ng Paggamit ng Tubig]:
- Itinatagubilin bilang kaaya-ayang gawain na kapag pumasok sa palikuran ay iuna [sa paghakbang] ang kanyang kaliwang paa, at magsabing: “Bismillaah, Allaahumma inni a`udhu bika minal khubuthi wal khabaa-ith (Sa Ngalan ng Allah, O Allah, ako po ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga kasamaan, maging lalaki man o babae).”
- At kapag lumabas mula rito ay iuna [sa paghakbang] ang kanyang kanang paa, at magsabi: “Ghufranak (Hinihingi ko po ang Iyong kapatawaran).”
- Kinakailangan [bilang tungkulin] para sa kanya ang pagtatakip sa kanyang `Awrah (bahagi ng katawan na kailangang takpan) mula sa paningin ng mga tao sa sandali ng kanyang pagdumi.
- At ipinagbabawal sa kanya ang pagdumi [pag-ihi o pagtae] sa mga lugar na kung saan [siya] ay makapagdulot ng kapinsalaan sa mga tao.
- Ipinagbabawal sa kanya na kung siya ay nasa parang [o disyerto] ang pagdumi sa isang lungga sa dahilang maaaring mayroong [namamahay] ditong isang hayop na maaari niyang mapinsala o siya ang mapipinsala nito [ng hayop na nasa lungga].
- Marapat sa kanya na huwag siyang humarap sa Qiblah (sa dakong kinaroroonan ng Ka`bah sa Makkah) at huwag din siyang tumalikod dito sa sandaling siya ay nagdudumi, habang siya ay nasa parang [o disyerto] at walang bakod [o pader] na mapagkukublihan [o magtatakip] sa kanya. Magkagayon itinagubilin [bilang tungkulin para] sa kanya iyon, ayon sa sinabi niya ﷺ : “Kapag nagtungo kayo sa silid-palikuran para magdumi, huwag kayong humarap sa Qiblah at huwag din kayong tumalikod dito sa [oras ng] pag-ihi, gayundin sa pagdumi”. (Al-Bukhari: 386 – Muslim: 264)
- Kinakailangan para sa kanya ang ibayong pag-iingat upang huwag kumapit [o dumapo] sa kanyang damit at katawan ang anumang duming nagsisiliparan, at kinakailangan niyang hugasan ang anumang kumapit [o dumapo] sa kanya mula rito.
- At kapag siya ay nakapagdumi na, kinakailangan para sa kanya sa paglilinis ang paggamit ng isa sa dalawang bagay:
-
-
Maaari
niyang linisin ang bahagi ng ihi at dumi [na tumilamsik o kumapit] sa kanyang katawan sa pamamagitan ng tubig (ito ay tinatawag na Al-Istinja’).
-
O
ito ay kanyang linisin nang tatlong ulit o higit pa sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamunas [papel] o mga bato at ng anumang nakakatulad nito na nakapaglilinis sa katawan at nakapaglilinis nito mula sa mga karumihan (at ito ay tinatawag na Istijmar).
-
-