Ang Kahulugan ng Taharah ay nagpapahiwatig ng Kadalisayan, Kabanalan, Kalinisan at Kawagasan.
At katotohanang ipinag-utos ng Allah – [ang Tigib ng Kapangyarihan at Kapita-pitagan], sa mga Muslim ang paglilinis sa kanilang mga sariling panlabas [na katawan] at sa lahat ng uri ng mga pisikal na karumihan, at gayundin ang kanilang panloob [na katawan] mula Shirk (pagtatambal sa Kaisahan ng Allah) at maging sa mga sakit ng puso, tulad ng inggit, pagmamalaki at matinding galit [poot], kaya kapag naisakatuparan nila ang mga ito, sila ay magiging karapat-dapat sa pagmamahal ng Allah.
Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Katotohanang ang Allah ay nagmamahal sa mga nagbabalik-loob sa Kanya sa pagsisisi at nagmamahal sa mga nagpapadalisay [ng kanilang mga sarili}. Surah Al-Baqarah (2): 222
At ipinag-uutos ng Allah [bilang tungkulin] ang paglilinis para sa pagsasagawa ng Salaah (pagdarasal), sapagka’t ito ay nagsisilbing oras ng [tuwirang] pakikipagharap at pagsusumamo sa Allah - ang Tigib ng Kaluwalhatian]. At sa kasaysayan, ang tao ay likas na kilala [bilang isang nilikhang] naglilinis at nagsusuot ng kanyang pinakamagandang damit kapag siya ay nakikipagharap sa isang hari o pinuno. Magkagayon nga, paano pa kaya ang kanyang gagawin sa kanyang pakikipagharap sa Dakilang Diyos na Siyang Hari ng mga hari, ang Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan?
Ipinag-uutos ng Allah sa isang Muslim ang Islamikong paglilinis - sa partikular na kahulugan - ang pangangailangan [bilang tungkulin na dapat tuparin], kapag nais niyang magsagawa ng Salaah o humawak ng Qur’an o maglakad [mag-tawaf] sa palibot ng marangal na Kaabah. At iminumungkahi [o ipinanghihikayat din] ito bilang isang kalugud-lugod na gawain sa maraming kalagayan, ang mga ilan dito ay: sa pagbabasa ng Qur’an na walang hawak na sapin sa naturang Kasulatan, sa [mga oras ng] panalangin, sa pagtulog at sa iba pang pagkakataon.
- Kaya [bilang tungkulin] kinakailangan para sa isang Muslim na kapag nais niyang magsagawa ng Salaah (pagdarasal), ang paglilinis mula sa dalawang bagay:
-
1
An-Najasah (ang Karumihan). Ang Najasah ay nahahati sa dalawang [antas o] kalagayan.
-
-
2
Al-Hadath (Ang Kalagayan [o Antas ng] Karumihan].
-

Ipinag-uutos ng Allah sa isang Muslim ang paglilinis niya sa kanyang kalooban [isip, kaluluwa, puso] mula sa Shirk (pagtatambal sa Kaisahan ng Allah) at mula sa mga sakit ng mga puso [tulad ng pagkukunwari, galit at paninibugho], gayundin ang paglilinis sa kanyang panlabas [na bahaging pisikal] mula sa mga karumihan at mga kasalaulaan.