Nakapaloob sa pagsasagawa ng Hajj ang mararaming Katangian at Kabutihan, at ang ilan dito ay dahil sa:
1
Ito ay isa sa mga pinakamabuting gawain. Nang tanungin ang Propeta ﷺ : Ano ang pinakamabuting mga gawain? Siya ay nagsabi: «Ang paniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo». May nagsabi: Ano po ang kasunod? Siya ay nagsabi: «Ang pagpupunyagi [at pakikipaglaban] sa Landas ng Allah». May isa na namang nagsabi: Ano pa po ang kasunod? Siya ay nagsabi: «Ang Hajj Mabrur (katanggap-tanggap na Hajj)». (Al-Bukhari: 1447 – Muslim: 83)
2
Ang Hajj ay Isang Dakilang Panahon para sa paghingi ng kapatawaran. Sinabi niya ﷺ : «Sinuman ang nagsagawa ng Hajj at hindi nagsalita ng malalaswa (o nakipagtalik sa kanyang asawa sas panahon ng Hajj), at hindi nakagawa ng pagsuway [o paghihimagsik]. Siya ay uuwing katulad ng araw na siya ay ipanganak ng kanyang ina». (Al-Bukhari: 1449 – Muslim: 1350). Ibig sabihin: Siya ay uuwi nang walang bahid ng kasalanan, wari bang siya ay bagong silang.
3
Ito ay isang malaking pagkakataon para sa kalayaan (o kaligtasan ng isang Muslim) mula sa Apoy. Sinabi ng Sugo ﷺ : «Wala nang iba pang araw na pinalalaya ng Allah ang nakararami sa Kanyang alipin mula sa Apoy maliban sa araw ng `Arafah». (Muslim: 1348)
4
Ang gantimpala nito ay ang Paraiso. Sinabi niya ﷺ : «Ang Hajj na Mabrur (katanggap-tanggap) ay wala nang iba pang gantimpala maliban sa Paraiso». (Al-Bukhari: 1683 – Muslim: 1349)
Ang mga kabutihang ito at ang iba pang kabutihan ay matatamo lamang niyaong mga nagsigawa nito para sa kasiyahan ng Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa yapak ng Sugo ng Allah ﷺ