Ang pangangailangan ng isang Mahram (lalaking malapit na kamaganak) ng isang babae para sa pagsasagawa ng kanyang Hajj

Ang pangangailangan ng isang Mahram (lalaking malapit na kamaganak) ng isang babae para sa pagsasagawa ng kanyang Hajj


Bilang tungkulin, ang pagkakaroon ng Mahram ng isang babae para sa pagsasagawa ng kanyang Hajj ay isang pangunahing pangangailangan, kaya hindi tungkuling isagawa ang Hajj ng isang babae maliban kung mayroon siyang makakasama sa Hajj na isa sa kanyang mga Mahram, tulad ng kanyang asawa o ang isang hindi niya maaaring maging asawa sa kanya tulad ng kanyang ama, lolo, anak, pamangkin, mga kapatid at kanilang mga anak na lalaki, tiyuhin maging sa panig ng ama o ina. (Tunghayan ang pahina:224)


At kung nagsagawa ng Hajj ang isang babae na walang Mahram sa paraang ligtas ang kanyang sarili rito, ang kanyang Hajj ay wasto at tinatanggap ito sa kanya.