1
Ang makayanan niyang isagawa ang Hajj sa kanyang sarili. Ibig sabihin ay makakayanan niyang makaabot patungo sa Tahanan sa sarili niya nang walang daranasing labis na paghihirap kaysa sa karaniwang paglalakbay, at mayroon din siyang sapat na kayamanan para sa paggugol dito, kaya nararapat niyang isagawa ang tungkulin ng Hajj sa sarili niya.
2
Ang kakayahang pananalapi upang isagawa ito para sa kanya. Ito ay nauukol para sa mga Muslim na walang kakayahang isagawa ito nang sarili sanhi ng karamdaman o katandaan, nguni’t mayroon siyang kakayahan upang magtalaga ng iba upang isagawa para sa kanya ang Hajj bilang kanyang kapalit, sa gayon tungkulin niyang gastusan ng salapi ang sinumang magsasagawa ng Hajj para sa kanyang sarili.
3
Ang walang kakayahang isagawa ang Hajj, maging sa sarili niya mismo o sa iba bukod sa kanya. Kaya sa kanya ay hindi ipinag-uutos ang pagsasagawa ng Hajj hanggang wala siyang kakayahan dito.
Ang halimbawa nito ay ang taong wala kayamanang labis sa kanyang sariling mga pangunahing pangangailangan at pagtustos ng kabuhayan sa kanyang pamilya na sasapat sa kanya upang ito ay kanayng gamitin para sa pagsasagawa ng Hajj.
At hindi niya kailangang maglikom ng kayamanan upang magkaroon ng kakayahang isagawa ang Hajj, datapuwa’t kung kailan siya magkaroon ng kakayahan, samakatuwid, ipinag-uutos sa kanyang ang Hajj [bilang tungkulin].
- Mayroon ka bang sapat na kayamanan at kakayahan pangkalusugan sa katawan upang makapagsagawa para sa Hajj?
-
Oo
Tungkulin mong isagawa ang Hajj sa iyong sarili.
-
Hindi
Mayroon ka bang sapat na kayamanan, nguni’t wala kang angking kakayahang pangkalusugan sa katawan para magsagawa ng Hajj sanhi ng iyong karamdaman na hindi inaasahang gagaling pa o sanhi ng iyong katandaan?
-
Oo
Tungkulin mong gumugol ng kayamanan para sa sinumang magsasagawa ng Hajj bilang iyong kapalit [para sa pagsasagawa ng mga ritwal ng Hajj].
-
Hindi
Kung ikaw ay walang sapat na kayamanan para sa Hajj na humigit kaysa sa iyong mga pangunahing pangangailangan at mga pangangailangan ng mga taong dapat mong tustusan ng kanilang ikabubuhay, sa gayon hindi isang tungkulin para sa iyo ang magsagawa ng Hajj at hindi mo na rin kailangang maglikom ng kayamanan upang isagawa ang Hajj.
-
-