Ang Pagkilala sa Propeta ﷺ
Ang Pangalan ng Ating Dakilang Propeta:
Siya ay si Muhammad na anak ni Abdullah na anak ni Abdul Muttalib na anak ni Hashim Al-Qurashi.
At siya ﷺ ang tunay na pinakamarangal sa lahat ng mga Arabo at di-Arabo, at ang pamilya na kanyang pinagmulan [o sinilangan] ay siyang pinakamarangal sa lahat ng angkan ng mga Arabo.
Isang Sugo ng Allah sa buong sangkatauhan:
Isinugo ng Allah ang ating Propeta na si Muhammad sa buong sangkatauhan, sa bawa’t lipi, kulay at lahi, at Kanyang ginawa [bilang tungkulin] para sa lahat ng tao ang [ganap na] pagsunod [at pagtalima] sa kanya. Ang Allah ay nagsabi: {Sabihin mo (O Muhammad): “O sangkatauhan! Katotohanang ako ay isang Sugo ng Allah para sa inyong lahat}. Al-A`raf (7): 158
Ibinaba [o ipinahayag] sa kanya ang Qur’an:
Ipinahayag sa kanya ng Allah ang Qurán at ito ang pinakadakila sa lahat ng Kanyang mga Kasulatan. Ang Marangal na Qurán ay nagsabi: {Ang kabulaanan ay hindi makalalapit mula sa harapan nito [ng Qur’an] at maging sa likuran nito}. Surah Fussilat:41:42
Ang Sagka (o Huling) Propeta at Sugo ng Allah:
Isinugo ng Allah si Muhammad ﷺ bilang sagka [o huli sa kawing] ng mga Propeta, kaya wala nang propetang darating pagkalipas niya, tulad ng sinabi ng Kataas-taasang (Allah) bilang katibayan: {Datapuwa’t siya ang Sugo ng Allah at sagka (panghuli) sa (kawing ng) mga Propeta}. Al-Ahzab (33): 40

1- Ang Kanyang Kapanganakan:
Siya ay ipinanganak sa Makkah sa taong 570 G. naulila sa ama, at nawalay sa kanyang ina sa murang gulang, kaya siya ay kinupkop sa [ilalim ng] pangangalaga ng kanyang lolo na si Abdul Muttalib at sumunod pagkaraan [ng pagyao ng kanyang lolo] ay sa pangangalaga ng kanyang tiyuhin na si Abu Talib na kung saan siya ay lumaki.

2- Ang Kanyang Buhay at Paglaki:
Siya ay namuhay kapiling ng kanyang sariling Tribu na Quraish sa loob ng apatnapung taon bago siya naging isang propeta (taong 570 – 610 G.) Siya ay kilala bilang isang magandang halimbawa ng pagiging makatotohanan at matuwid, kaya ang kanilang taguri sa kanya ay As-Sadiq Al-Amin (ang makatotohanan, ang mapagkakatiwalaan) at siya ay naghahanapbuhay sa pamamagitan ng pagpapastol (ng tupa) at pagkaraan ay naghanap buhay [sa pamamagitan ng] pangangalakal.
At bago pa man dumating ang Islam [sa kanya], ang Sugo ng Allah ay isa nang Hanifa (tuwirang sumasamba sa Allah lamang) batay sa paniniwala [o pananampalataya] ni Propeta Ibrahim (Abraham), at siya ay nagtatakwil [ at tumatalikod] sa pagsamba sa mga imahen at sa mga paganong ritwal [mga kasanayan at mga kaugalian nito].

3- Ang Pagsugo sa Kanya:
Nang ang Sugo ng Allah ﷺ ay umabot na sa gulang na apatnapung taon, siya ay lagi nang nagtutungo [at nananatili] sa yungib ng Hira’ sa taluktok na bundok ng Tur (isang bundok sa labas ng Makkah) at doon siya ay nagmumuni-muni at sumasamba sa Allah. At sa gayong panahon dumating sa kanya ang kapahayagan mula sa Allah, kaya nagsimulang ibinababa sa kanya ang Qur’an at ang unang ibinaba sa kanya mula sa Qur’an ay ang sinabi ng Allah:
{Basahin [o bigkasin] mo! Sa Ngalan ng iyong Panginoon na lumikha - lumikha sa tao mula sa isang namuong [kimpal ng] dugo. Basahin [o bigkasin] mo, at ang iyong Panginoon ay Lubos na Mapagbigay, na nagturo [sa paggamit] ng panulat, [Siya na] nagturo sa tao ng [mga bagay na] hindi niya nalalaman}. Surah Al Alaq– 96:1-4
Ang mga talatang ito ay naghatid ng bagong yugto ng kaalaman, [antas ng] pagbabasa, liwanag [sa puso at kaisipan], at patnubay sa sangkatauhan. At ang mga kapahayagan ng Qurán ay nagpatuloy na ibinababa sa kanya sa loob ng dalawampu’t tatlong taon hanggang siya ay yumao.

4- Ang Simula ng Kanyang Da`wah (Pagpapalaganap at Pag-aanyaya Tungo sa Pagsamba sa Allah):
Nagsimula ang Sugo ng Allah sa pagpapalaganap at pag-aanyaya sa relihiyon ng Allah nang palihim sa loob ng tatlong taon, at pagkatapos ay ipinahayag ang Da`wah (pag-aanyaya) nang lantaran, kaya naipahayag niya ito sa loob ng sampung karagdagang taon bukod sa una. Dito ay tinamo ng Sugo ng Allah at ng kanyang mga Sahabah (kasamahan) ang napakatinding mga uri ng pag-uusig at pagmamalupit, pang-aabuso [at kawalang katarungan] mula sa kanyang mga katribung Quraish. Sa kabila nito, kanyang patuloy na inilalahad ang Islam sa ibang mga tribu na dumarating para magsagawa ng Hajj (pilgrimahe), at tinanggap naman ito ng mga taga Madinah, kaya nagsimula nang paunti-unti ang paglikas dito ng mga Muslim.

5- Ang Kanyang Hijrah [Paglikas]:
Siya ﷺ ay lumikas mula sa Makkah patungong Al-Madinah Al-Munawwarah (ang lungsod ng liwanag) na tinatawag noon na Yathrib sa taong 622 G. Siya ay nasa ikalimampu’t tatlong taon ng kanyang gulang. Siya ay lumikas pagkaraang hadlangan ng mga kinikilalang pinuno ng Quraish ang kanyang pag-aanyaya sa Islam at sila ay nagsikap na siya ay paslangin. At [sa Madinah] siya ay namuhay nang sampung taon dito, kanyang ginugol ang kanyang panahon sa pag-aanyaya sa Islam, at ipinag-utos ang Salah (pagdarasal), ang Zakaah (kawanggawa) at ang iba pang nalalabing mga alituntunin ng Islam.

6- Ang Kanyang Pagpapalaganap ng Islam:
Itinatag ng Sugo ng Allah ang panimula ng Islamikong kabihasnan [o pamayanan] sa Madinah pagkatapos ng kanyang paglikas (mula sa Makkah 622 – 632) at inilatag ang mga pamantayan ng [isang huwarang] Muslim na pamayanan, kaya’t inalis ang bulag na pagkiling sa isang tribu at kanyang ipinalaganap ang karunungan at inilatag din ang mga prinsipyo ng katarungan, pagiging matuwid, [diwa ng] pagkakapatiran, pagtutulungan at ibang mga pamamaraan [ng pagsulong at kaunlaran sa ilalim ng Islamikong Batas]. Ang ilan sa mga tribu ay nagtangkang sugpuin ang Islam, kaya nagkaroon ng ilang mga digmaan at pangyayari, datapuwa’t ipinagkaloob ng Allah ang tagumpay ng kanyang Relihiyon at Sugo, at pagkatapos ay nagkasunud-sunod na ang pagyakap ng mga tao sa Islam. Kaya yumakap na rin sa Islam ang (mga mamamayan ng) Makkah at ang karamihan sa mga karatig-bayan at mga tribu sa kapuluan ng mga arabo nang kusang loob at ganap na pagtanggap sa dakilang pananampalataya na ito.

7- Ang Kanyang Kamatayan:
Sa buwan ng Safar (ikalawang buwan sa Hijri [Islamikong kalendaryo] o Hunyo 632 CE), matapos maipalaganap ng Sugo ng Allah ang mensahe ng Islam at lubusang maipatupad ang tiwala na ipinagkaloob sa kanya [ng Allah] at maging ganap ang pagpapala ng Allah sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kaganapan ng relihiyon. Ang Propeta ﷺ ay dinapuan ng lagnat at lumala ang kanyang sakit, at siya ﷺ ay binawian ng buhay sa hapon ng araw ng Lunes, buwan ng Rabi`ul Awwal (ikatatlong buwan sa Hijri [Islamikong kalendaryo] o Hunyo, 632 CE), sa gulang niyang 63 at siya ay inilibing sa pook na kanyang kinamatayan, ito ay sa bahay ni `Aishah sa tabi ng Masjid ng Propeta ﷺ.
Ang Kahulugan ng Pagsaksi na si Muhammad ay Tunay na Sugo ng Allah:
Ito ay nangangahulugan na: nararapat paniwalaan ang kanyang mga pahayag [o salita] at sumunod sa anumang kanyang ipinag-uutos at umiwas sa anumang kanyang mga ipinagbabawal at sambahin ang Allah nang ayon sa pamamaraang kanyang itinagubilin at itinuro sa atin
Ano ang pangangailangan [o kabuuan] ng aking paniniwala na si Muhammad ay Sugo ng Allah?
-
Ang paniniwala sa lahat ng mga pahayag na kanyang ipinabatid sa lahat ng larangan, at ang mga ilan dito ay:
• Ang mga bagay na may kaugnayan sa Al-Ghaib (bagay o pangyayaring lingid o di nakikita o anumang di-nakikita sa bahagi ng kalangitan at kalupaan at anumang nasa pagitan ng dalawang ito), ang Huling Araw, ang Paraiso at kagandahan [at karangyaan] nito, at ang Apoy (Impiyerno) at kasakit-sakit na kaparusahan at ang nilalaman nito.
• Ang lahat ng mga kaganapan na mangyayari sa Araw ng Pagbabangon at mga palatandaan nito, at ang lahat ng magaganap sa huling panahon (ng mundo).
• Ang mga kasaysayan ng mga sinauna at unang tao, at ang mga kaganapan sa pagitan ng mga Propeta – ipagkaloob nawa sa kanila ang kapayapaan – at sa kanilang mga tao.
-
Ang pagpapatupad sa kanyang ﷺ mga ipinag-uutos at ipinagbabawal, at ito ay sumasaklaw sa:
• Pagpapatupad sa lahat ng ipinag-utos niya ﷺ sa atin, at paniwalaan natin na siya ay hindi nagsasabi ng ayon sa sarili niyang pagnanais (patungkol sa relihiyon), bagkus ito ay isang rebelasyon (kapahayagan) mula sa Allah. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang Allah: {Ang sinumang sumunod sa Sugo (Muhammad), katotohanang kanyang sinunod ang Allah}. An-Nisa’ (4): 80
• Ang pag-iwas sa lahat ng mga ipinagbabawal sa atin mula sa mga masasamang asal at mga nakapipinsalang kaugalian, at ang paniniwala natin na ang anumang ipagbabawal sa atin ay isa lamang itong makabuluhang layunin na nais ng Allah para sa ating mga sariling kapakanan, na kahit pa kung minsan ito ay nakalingid sa atin [at hindi natin ganap na nauunawaan].
• Ang paniniwala natin na ang pagpapatupad sa kanyang mga ipinag-uutos at ipinagbabawal ay nagbabalik sa atin ng kabutihan at kasiyahan sa mundo at sa Huling Araw. Tulad ng sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {At sundin ninyo ang Allah at ang Sugo (Muhammad) upang inyong makamit ang Habag (ng Allah)}. Al-`Imran (3): 132
• Ang paniniwala natin na sinuman ang sumalungat sa pag-uutos ng Propeta ﷺ, ay nararapat tumanggap ng kasakit-sakit na kaparusahan, batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Kaya sila na sumasalungat sa kanyang pag-uutos ay maging maingat, baka ang isang Fitnah (pagsubok, sakuna, lindol) ay dumating sa kanila, o isang masakit na kaparusahan ang tumama sa kanila.}. An-Nur (24): 63
Kinakailangan sa isang Muslim ang maniwala sa lahat ng napatunayan mula sa Sunnah ng Sugo ng Allah ﷺ
-
Na hindi natin sasambahin ang Allah maliban nang ayon sa kanyang mga naitagubilin [bilang batas] sa atin, at napapaloob dito ang ilan sa mga bagay na kailangan munang tiyakin.
• Ang pagsunod sa kanya: Ang Sunnah ng Sugo ng Allah ﷺ, ang kanyang pamamatnubay at ang kanyang buhay - saklaw ang lahat ng kanyang mga salita, gawain, pagsasang-ayon at pagpapahintulot, ito ang huwaran natin sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa buhay natin, at nagsisilbing isang paraan ng paglapit ng isang alipin sa kanyang Panginoon at nagpapataas ng mga antas sa kanyang Panginoon sa tuwing nararagdagan ang pagsunod sa Sunnah ng Propeta at ng kanyang patnubay. Ang Allah ay nagsabi: {Sabihin [O Muhammad]: “Kung tunay ngang minamahal ninyo ang Allah, ako ay inyong sundin, ang Allah ay magmamahal sa inyo at magpapatawad sa inyong mga kasalanan. Sapagka’t ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad, Maawain}. Surah Al-`Imran (3): 31
• Ang Batas ng Islam ay ganap: Naihatid ng Sugo ng Allah ﷺ ang relihiyon at mga batas nang ganap at walang pagkukulang. Kaya hindi ipinahihintulot sa kaninuman na magparating ng makabagong Ibaadah (gawaing pagsamba) na hindi inihabilin sa atin [bilang batas] ng Sugo ng Allah ﷺ.
• Ang Batas ng Allah ay angkop [at akma] sa lahat ng panahon at lugar: Ang mga alituntunin ng pananampalataya at mga batas na dumating sa Aklat ng Allah (Qur’an) at sa Sunnah ng Sugo ng Allah ﷺ ay akma sa lahat ng panahon at lugar, kaya walang sinuman ang higit na nakakaalam sa mga kapakanan ng tao kaysa sa Kanya na lumikha sa kanila at nagbigay ng buhay mula sa kawalan.
• Ang pagsang-ayon sa Sunnah: Kinakailangan sa pagsasakatuparan ng mga Ibaadah (gawaing pagsamba) na ito ay may lakip na katapatan ng layunin sa Allah at ang naturang Ibaadah ay batay sa mga itinagubilin sa atin ng Sugo ng Allah ﷺ, batay sa sinabi ng Kataastaasang Allah: {Kaya sinuman ang umaasa sa pakikipagharap sa kanyang Panginoon, hayaan siya na gumawa ng kabutihan at huwag siyang magtambal ng anupaman sa pagsamba sa kanyang Panginoon}. Surah Al-Kahf (18): 110
Ang ibig sabihin ng (kabutihan) ay: Wasto na sumasang-ayon sa Sunnah ng Propeta ﷺ.• Ang pagbabawal sa pagbabago sa Relihiyon: Sinuman ang magparating ng bagong gawain o Ibaadah (gawaing pagsamba) na hindi kabilang sa Sunnah ng Propeta ﷺ at nais niyang mag-alay ng Nang ang Batas ng Islam ay binibigyangdiin ang pagbabawal sa pagbabago, pagdaragdag at pagpapalit sa mga Ibaadah (gawaing pagsamba), at ito ay dahil sa upang mapangalagaan ang pananampalataya mula pagkabaluktot at pagpapalit, at pinapanatili nito na huwag maging isang lugar na pagdarausan ng mga pithaya at hilig ng tao. Gayundin na hinihimok nito ang pagtuon ng isip ng tao tungo sa paglikha, pag-eksperimento at pagtutuklas sa mga sikreto ng sansinukob na ito na nasasaksihan sa lahat ng mga aspeto ng buhay na kung saan ay naglilingkod sa tao at nagpapaunlad sa kasalukuyan at kinabukasan nito. pagsamba sa Allah sa pamamagitan nito, tulad halimbawa sa kanya na nagsasagawa ng Salaah sa makabagong paraan maliban sa Islamikong pamamaraan, samakatuwid siya ay sumasalungat sa kanyang paguutos na nagkakasala dahil sa gawaing iyon, at ang kanyang gawain na iyon ay hindi tatanggapin sa kanya. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang Allah: {Kaya yaong mga sumasalungat sa kanyang pag-uutos ay maging maingat, baka ang isang Fitnah (pagsubok, sakuna, lindol) ay dumatal sa kanila, o isang masakit na kaparusahan ang tumama sa kanila}. Surah An-Nur (24): 63
At sa sinabi niya ﷺ : “Sinuman ang magparating ng makabagong katuruan sa katuruan naming ito na hindi naman kabilang nito, sa gayun siya ay tatanggihan”. (Al-Bukhari: 2550 – Muslim: 1718).Nang ang Batas ng Islam ay binibigyangdiin ang pagbabawal sa pagbabago, pagdaragdag at pagpapalit sa mga Ibaadah (gawaing pagsamba), at ito ay dahil sa upang mapangalagaan ang pananampalataya mula pagkabaluktot at pagpapalit, at pinapanatili nito na huwag maging isang lugar na pagdarausan ng mga pithaya at hilig ng tao. Gayundin na hinihimok nito ang pagtuon ng isip ng tao tungo sa paglikha, pag-eksperimento at pagtutuklas sa mga sikreto ng sansinukob na ito na nasasaksihan sa lahat ng mga aspeto ng buhay na kung saan ay naglilingkod sa tao at nagpapaunlad sa kasalukuyan at kinabukasan nito.