Inilarawan [at kinilala] ng Islam ang mga karapat-dapat bahaginan [at bigyan] ng Zakaah. At ipinahihintulot sa isang Muslim na ipamigay ito sa isang uri [mula sa 8 uri taong dapat tumanggap] o higit pa mula sa mga uri na ito, o ibigay niya ito sa mga butihing institusyon at mga samahan na kumakatawan sa pamamahagi nito sa mga karapat-dapat tumanggap nito sa mga muslim, at ang pinakamainam ay ang ipamamahagi ito sa kinaroroonang bansa [na kung saan naninirahan ang taong dapat pagbigyan].
At ang mga uri ng tao na karapat-dapat bahaginan [at tumanggap] ng Zakaah ay ang sumusunod:
1
Ang mga dukha at mahihirap, sila yaong ang kanilang kinikita ay hindi sapat para makatugon sa kanilang pangunahing pangangailangan.
2
Ang sinumang naglilingkod para sa paglikom ng Zakaah at pamamahagi nito.
3
Ang isang alipin na naghahangad na bilhin ang kanyang sariling kalayan mula sa kanyang pinaglilingkurang amo, siya ay nararapat bigyan ng kaukulang tulong mula sa Zakaah upang siya ay maging malaya.
4
Ang sinumang baon sa pagkakautang at walang kakayahang magbayad, maging ang pagkakautang ay para sa pangkalahatang kapakanan, paggawa ng kabutihan sa mga tao o sa sarili niyang kapakanan.
5
Ang mga nagpupunyagi [at nakikipaglaban sa Landas ng Allah], sila yaong nakikipaglaban para ipagtanggol ang kanilang pananampalataya [Islam] at mga bayan, at nasasaklawan din nito ang lahat ng gawain sa pagtataguyod at pagpapalaganap ng Islam upang mangibabaw ang Salita ng Allah.
6
Ang mga malalapit ang puso sa Islam, sila ang mga dating di-muslim na yumakap sa Islam kamakailan lamang, o ang isang taong inaasahan ang pagyakap sa Islam mula sa lipon ng mga di-muslim. Ang uring ito ay hindi binibigyan mula sa panig ninuman, bagkus ito ay tungkulin ng tagapag-alaga sa mga Muslim o sa mga nangangalagang institusyon na makapagtataguyod ng kanilang sa kapakanan.
7
Ang dayuhang naglalakbay na kinapos ng kakayahang gumugol sa gitna ng paglalakbay, kaya siya ay nangangailangan ng sapat ng salapi upang kanyang maipagpatuloy ang paglalakbay, at kahit pa siya ay nagmamay-ari ng maraming kayamanan sa kanyang sariling bayan.
Ang Allah ay nagpaliwanag [at binanggit ang pamamaran ng pagbibigay ng Zakaat] sa sinumang mga karapat-dapat tumanggap ng katungkulang Zakaah: {Katotohanan, ang kawanggawa ay nakalaan lamang para sa mga dukha at maralita at sa mga kawaning naglilikom [ng kawanggawa] at sa mga taong ang puso ay malalapit [sa Islam]; at sa pagpapalaya ng mga bilanggo [o alipin] at sa mga may pagkakautang; at sa Landas ng Allah [para sa mga Mujahideen na nakikipaglaban] at sa mga naglalakbay [na nagigipit]; isang tungkulin [na iniatang] ng Allah. At-Taubah (9): 60

Ang mga Fuqara, sila yaong hindi kinikita ang kasapatan ng kanilang kabuhayan mula sa mahahalagang bagay at mga pangunahing pangangailangan.