Ang Salaah (pagdarasal) ang pinakadakila sa mga pisikal na pagsamba at pinakamalaki sa katayuan, sapagka’t ito ay isang Ibaadah (pagsamba) na sumasaklaw sa puso, isip at dila ng isang tao, at nakikita ang kahalagahan ng Salaah (Pagdarasal) sa maraming bagay, ang mga ilan dito ay ang mga sumusunod:
Ang Salaah (pagdarasal) ang mayroong pinakamataas na katayuan
1
Sapagka’t ito ang ikalawang haligi mula sa mga haligi ng Islam. Batay sa sinabi niya r : «Itinayo ang Islam batay sa lima: Ang pagsasaksi na walang iba pang Diyos maliban sa Allah at na si Muhammad ay Sugo ng Allah, at ang pagsasagawa ng Salaah (pagdarasal)….». (Al-Bukhari: 8 – Muslim: 16)
At ang Salaah ay tumatayo bilang haligi ng gusali na siyang sandigang inaasahan nito at ito ay hindi makatatayo nang wala ito.
2
Ang mga Islamikong katibayan ay nagtakda na ang kaibahan sa pagitan ng mga Muslim at ng hindi Muslim ay ang pagsasagawa ng Salaah (pagdarasal). Batay sa sinabi ng Propeta r : «Katotohanan, ang pagitan ng isang tao at ng Shirk (pagtatambal sa Kaisahan ng Allah) at ng kawalan ng paniniwala ay ang pagtalikod [at paglisan mula] sa Salaah (pagdarasal)». (Muslim: 82)
At sinabi pa niya: «Ang kasunduan na namamagitan sa amin (mga Muslim) at sa kanila (mga di-Muslim) ay ang Salaah (pagdarasal), kaya sinuman ang lumisan nito, tunay na siya ay tumalikod sa paniniwala». (At-Tirmidi: 2621 – An-Nisaai: 463)
3
Ang Allah na Tigib ng Kapangyarihan at Kapita-pitagan ay nag-uutos nito sa lahat ng mga kalagayan, maging siya ay nasa paglalakbay, nananatili sa kanyang lugar, nasa kapayapaan man o sa digmaan, at maging sa kalagayan ng kalusugan at ng karamdaman, ang Salaah ay ipinatutupad nang ayon sa abot ng kanyang kakayahan. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Pangalagaan ninyo ang [pagsasagawa ng] Salaah (ang limang takdang [pagdarasal na kailangang gampanan araw-araw)}. Al-Baqarah (2): 238
At Kanyang inilarawan dito ang Kanyang mga alipin na naniniwala sa Kanyang sinabi: {At sila yaong nagpapahalaga sa kanilang mga pagdarasal (ang limang ulit na pagdarasal)}. Al-Mu’minun (23): 9
Ang Mga Kahalagahan ng Salaah (Pagdarasal)
Ang maraming katibayan hinggil sa mga kahalagahan ng Salaah (Pagdarasal) ay nakatala [at matutunghayan] mula sa Aklat (Qur’an) at Sunnah (ng Propeta), at ang ilan dito ay:
1
Tunay na ito ay nagpapawalang-sala [at nakapapawi] sa mga kasalanan. Batay sa sinabi ng Propeta r : «Ang limang takdang Salaah (Pagdarasal) at ang mga Salaah sa pagitan ng dalawang Jumu`ah ay nagpapawalang-sala, maliban na siya ay hindi nakagawa ng mga malalaking kasalanan.» (Muslim: 233 – At-Tirmidhi: 214)
2
Tunay na ito ay isang liwanag na tumatanglaw sa buhay ng isang Muslim sa kabuuan nito, tinataguyod siya nito tungo sa kabutihan at inilalayo siya nito sa kasamaan. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Katotohanan, ang Salaah (pagdarasal) ay pumipigil mula sa paggawa ng (lahat ng) mga kahalayan at ng masasamang gawain}. Al-`Ankabut (29): 45
3
Tunay na ito ang unang susuriin [sisiyasatin, bibilangin at susulitin] sa isang alipin [tao] sa Araw ng Pagbabangong Muli; kaya kung ito man ay naging mabuti at tinanggap mula sa kanya, ang lahat ng kanyang gawain ay tatanggapin sa kanya, datapuwa’t kung ito ay tinanggihan, ang mga nalalabing mga gawain ay tatanggihan din. Batay sa sinabi niya r : «Ang kauna-unahang susuriin [sisiyasatin at susulitin] sa isang alipin [tao] sa Araw ng Pagbabangong Muli ay ang Salaah (Pagdarasal), kaya kung ito man ay naging mabuti, mapabubuti rin ang lahat ng kanyang gawain, datapuwa’t kung ito ay nawalan ng saysay, mawawalan din ng saysay ang lahat ng kanyang gawai». (Al-Mu`jam Al-Awsat Lit Tabarani: 1859)
Ipinag-utos ng Allah na Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan, ang pangangalaga [at pagsasakatuparan] ng Salaah (pagdarasal) sa lahat ng kalagayan ng tao maging sa oras ng digmaan at sa mga [panahon ng mga] kalamidad, sakit o karamdaman]. .
Kanino ipinatutupad [at ipinag-uutos bilang tungkulin] ang pagsasagawa nn Salaah (Pagdarasal)?
Ipinag-uutos [bilang tungkulin] ang Salaah (pagdarasal) sa bawa’t Muslim na may wastong pag-iisip, nasa tamang gulang, walang Hayd (regla sa mga kababaihan) at walang Nifas (dugong lumalabas sanhi ng panganganak), kaya siya ay hindi nararapat magsagawa ng Salaah sa mga oras ng kanyang Hayd o Nifas, at hindi rin niya ito dapat bayaran pagkatapos ng kanyang kalinisan at pagtigil ng dugo (Tunghayan ang pahina:110 )
At binigyang-hatol ang pagdadalaga sa sandaling maisaalang-alang ang isa sa mga palatandaan na sumusunod:
Ang pagsapit ng labing limang taon |
Ang pagtubo o paglitaw ng mga balahibo sa harapan ng ari o sa likuran na daanan [ng ihi o dumi]. |
Ang paglabas ng semilya habang natutulog o gising. |
Ang pagreregla ng babae at pagbubuntis. |