> Ang Umrah (Maliit na Pilgrimahe)

> Ang Umrah (Maliit na Pilgrimahe)


Ang Umrah (Maliit na Pilgrimahe)


Ito ay ang pagtataguyod sa pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng Al-Ihram (pagpasok sa kalagayan ng Hajj), At-tawwaf (pag-ikot) sa palibot ng Kaabah nang pitong ulit, As-Sa`ey (paglakad) sa pagitan ng As-Safa at Al-Marwah ng pitong ulit, at pagkatapos ay ang pag-aahit o pagputol ng buhok.


Ang Hatol nito: Ito ay ipinag-uutos para sa lahat ng may kakayahan nang minsan sa tanang buhay, at kaaya-aya itong isagawa nang ilang ulit.


Ang oras nito: Maaaring isagawa ito sa loob ng isang taon, nguni’t sa buwan ng Ramadan nagkakaroon ito ng kahigtang gantimpala. Batay sa sinabi niya ﷺ : «Ang isang Umrah sa Ramadan ay tumutumbas ng isang Hajj». (Al-Bukhari: 1764 – Muslim: 1256)

> Isinasatungkulin ang Umrah sa taong may kakayahan nang minsan sa tanang buhay