Pinarangalan ng Islam ang babae at pinalaya mula sa pagkaalipin ng lalaki, at pinalaya rin mula sa pagiging isang mumurahing kasangkapan na walang dangal at walang paggalang, at ang ilan sa mga halimbawa ng mga alituntuning may kaugnayan sa paggalang sa babae:
- Ipinagkaloob ng Islam sa babae ang kanyang karapatan sa mana sa pamamagitan ng pamamahaging makatarungan at marangal, pinagpapantay ang lalaki sa babae sa ilang kalagayan, at naiiba naman ang bahagi nito sa kanya sa ilang kalagayan, ayon sa kanayng pagkakaugnay bilang kamag-anak at sa katungkulang gastusin na nakatalaga sa kanya.
- Pinagpantay ang pagitan ng lalaki at babae sa maraming usapin na magkakaiba, at ang isa rito ay ang lahat ng mga pananalaping kalakalan, hanggang sa sinabi niya (sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan): “Ang mga kababaihan ay kapatid ng mga kalalakihan”. (Abu Daud: 236)
- Ipinagkaloob sa babae ang kalayaang pumili ng magiging asawa, at siya ay itinalaga bilang isang may malaking bahagi sa pananagutan hinggil disiplina ng mga anak. Siya ﷺ ay nagsabi: “At ang babae ay tagapag-alaga sa bahay ng kanyang asawa, at may pananagutan sa kaniyang inaalagaan”. (Al-Bukhari: 853 – Muslim: 1829)
- Pinanatili sa kanya ang kanyang pangalan at ang karangalan ng kanyang pag-anib sa kanyang ama, kaya hindi magbabago ang kanyang angkan matapos ang pag-aasawa, bagkus siya mananatiling nakaugnay sa kanyang ama at angkan.
- Ipinag-utos [bilang tungkulin] para sa asawang lalaki ang pag-aalaga sa mga kababaihan nararapat sa kanyang pagtataguyod tulad ng asawa, ina at anak na babae nang walang anumang panunumbat sa mga kabutihang ipinagkakaloob ng lalaki
- Binigyang-diin ng karangalan at kahigtan ang sinumang naglilingkod sa mga mahihinang babae na walang nakakaramay ni isa man, kahit man lang hindi kamag-anak, at itinuring ito na kabilang sa pinakamainam na gawain sa (paningin ng Allah). Sapagka’t siya ﷺ ay nagsabi: “Ang tagapagtaguyod sa mga balo at mahihirap ay nakakatulad ng isang nakikipaglaban [o nagpupunyagi] sa Landas ng Allah, katulad ng nagtataguyod nang walang sawa, at katulad nang nag-aayuno nang walang tigil”. (Al-Bukhari: 5661 – Muslim: 2982)

Mga kababaihan na Ipinag-utos ng Islam ang Pag-aalaga sa kanila
Ang ina: Ayon sa naiulat ni Abu Hurayrah – sumakanya nawa ang lugod ng Kataas-taasang Allah – siya ay nagsabi: Dumating ang isang lalaki sa Sugo ng Allah ﷺ at nagsabi: O Sugo ng Allah! Sino po sa mga tao ang higit na karapat-dapat kong pakisamahan nang mabuti? Siya ay nagsabi: “Ang iyong ina”, nagsabi siya ulit: Sino pa po? Siya ay nagsabi: “Ang iyong ina”, nagsabi siya ulit: Sino pa po? Siya ay nagsabi: “Ang iyong ina”, nagsabi siya ulit: Sino pa po? Siya ay nagsabi: “Ang iyong ama”. (Al-Bukhari: 5626 – Muslim: 2548)
Ang anak na babae: Ayon sa naiulat ni `Uqbah ibn `Amir – sumakanya nawa ang lugog ng Allah – siya ay nagsabi: Narinig ko sa Sugo ng Allah ﷺ na nagsasabi: “Sinuman ang mayroong tatlong anak na babae at siya ay nagtiyaga sa kanila, sila ay kanyang pinakain, pinainom at binihisan [nang maayos] mula sa kanyang sariling hanap-buhay, sila ay kanyang magiging panangga laban sa Apoy sa Araw ng Pagkabuhay Muli”. (Ibnu Majah: 3669)
Ang asawang babae: Ayon sa naiulat ni Aishah, siya ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ : “Ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa kanyang pamilya, at ako ang pinakamabuti sa aking pamilya”. (At-Tirmidi: 3895)
Ang ugnayan sa pagitan ng lalaki at babae sa Batas ng Islam ay ugnayang ganap, pinupunuan ng bawa’t isa sa kanila ang kakulangan ng iba sa pagbuo ng isang huwarang Muslim komunidad. |
Walang puwang sa pagitan ng dalawang kasarian [lalaki at babae] upang sila ay maglaban sa isa’t isa
Ang ideya ng labanan sa pagitan ng lalaki at babae, ito’y nagwakas na dahil sa pangingibabaw ng lalaki sa babae tulad ng nasa ilang mga mangmang na komunidad, o dahil sa paghihimagsik ng babae at paglabas nito sa kanyang likas na talino at likas na siyang dahilan ng paglikha sa kanila, tulad ng nasa ibang mga pamayanang malayo sa pagsunod sa Batas ng Allah.
At ito ay naganap lamang bunga ng pagtalikod sa Batas ng Allah, kung saan ang Allah na Tigib ng Pagpapala at Kataas-taasan ay nagsasabi:
{At huwag ninyong pagnasaan ang anumang [biyayang] ipinagkaloob ng Allah sa iba sa inyo nang higit sa iba. Para sa mga lalaki, ay isang bahagi mula sa anumang kanilang pinagsumikapan, [gayon din naman] para sa mga babae, ay isang bahagi mula sa anumang kanilang pinagsumikapan. At inyong hingin sa Allah ang Kanyang biyaya.} Surah An-Nisa’ (4): 32 , Kaya ang bawa’t isa [lalaki at babae] ay pinarangalan. Ang mga lalaki ay mayroong sariling mga katangian, at mga maliwanag na tungkuling nagbibigay ng pagkakilanlan mula sa katangian ng babae, at ito ay hindi nagbibigay ng pagtangi-tangi ng isa sa dalawang kasarian nang higit sa isa sa kanila. At nagsisikap na itaguyod ang kabutihan ng tao sa buong lipunan.
Kaya sa Islam walang puwang para magkaroon ng labanan sa pagitan ng dalawang kasarian (lalaki’t babae), at walang laban sa mga makamundong layunin; gayundin walang dapat pamimintas at paninirang umiral sa pagitan ng dalawang kasarian.
Ang lahat ng ito ay walang kabuluhan sa Islam, at bunga lamang ng kakulangan sa pang-unawa sa mga tungkuling iniatang sa bawa’t isa. Sa Islam, bawat isa ay may bahagi nang ayon sa kanilang sariling pinagsikapang matamo sa material at ispiritwal. Sa halip na mainggit, sila ay napag-utusang hanapin ang kasaganaan ng Allah sa pamamagitan ng mahusay na paggawa at pagdarasal.

Ang mga uri ng babae para sa lalaki
Ang babae para sa lalaki ay may mga uri:
1
Na ang babae ay magiging kanyang asawa:
At ipinahihintulot sa lalaki ang pagtingin at pagpapakaligaya sa kanyang asawa nang ayon sa kanyang nais, at ipinahihintulot din iyon sa babae sa kanyang asawa, at sa katunayan binansagan ng Allah ang asawang lalaki bilang isang saplot para sa asawang babae, at ang asawang babae bilang isang saplot para sa asawang lalaki, na wari bang isang magandang larawan ng sikolohiyang ugnayan, damdamin at pisikal sa pagitan nilang dalawa. Siya (ang Allah) ay nagsabi: {Sila ay inyong mga saplot [sa katawan at panangga] at kayo ay saplot rin para sa kanila.} Surah Al-Baqarah (2): 187 (Tingnan ang pahina: 230)
2
Na siya (ang babae) ay magiging isa sa kanyang mga Mahram:
At ang tinutukoy bilang mga Mahram ay ang lahat ng lalaki na ipinagbabawal ang pag-aasawa sa kanya nang habang buhay, at ang mga Mahram ay tulad ng mga sumusunod:
1 | Ang ina o lola, sa panig ng ama o ina, tulad ng nanay ng ina at nanay ng ama at pataas. |
2 | Ang anak na babae, o anak na babae ng anak na lalaki, o anak na babae ng anak na babae at pababa. |
3 | Ang kapatid na babae na buo, o ang kapatid na babae sa ama, o ang kapatid na babae sa ina. |
4 | Ang tiyahin sa panig ng ama, at ito ay ang kapatid na babae ng ama na buo, o sa ama lamang, o sa ina lamang, at pasok dito ang tiyahin ng ama at tiyahin ng ina. |
5 | Ang tiyahin sa panig ng ina, at ito ay ang kapatid na babae ng ina na buo, o kapatid niya na babae sa ama lamang, o sa ina lamang, at pasok dito ang tiyahin ng ama at tiyahin ng ina. |
6 | Ang anak na babae ng kapatid na lalaki na buo, o sa ama lamang, o sa ina lamang, at pababa tulad ng anak na babae ng anak na lalaki ng kapatid na lalaki. |
7 | Anak na babae ng kapatid na babae na buo, o sa ama lamang, o sa ina lamang, at pababa tulad ng anak na babae ng anak na babae ng kapatid na babae. |
8 | Ang ina ng asawang babae (biyenan), maging ang asawang babae ay kapiling niya o nahiwalayan niya, sapagka’t ang nanay nito ay kabilang sa tunay na mga Mahram, gayundin ang nanay ng nanay ng asawang babae (ang lola niya). |
9 | Ang anak na babae ng asawang babae na hindi sariling anak niya (lalaki). |
10 | Ang asawang babae ng anak na lalake at pababa (tulad ng apong lalake ng asawang babae) |
11 | Ina-inahan [ asawa ng kanyang ama ] at pataas, tulad ng asawang babae ng kanyang kapatid na lalaki (mula sa panig ng kanyang ama-amahan [asawa ng kanyang ina ] |
12 | Ang ina sa pagpapasuso, at ito ay ang babaeng nagpasuso sa kanya sa unang dalawang taon ng kanyang pagkakasilang, limang beses na nabusog, kaya itinakda ng Islam sa kanya ang isang karapatan dahil sa pagpapasuso niya sa kanya. |
13 | Ang kapatid na babae sa pagpapasuso, at ito ay ang anak na babae ng babaeng nagpasuso sa kanya sa panahon ng kanyang kamusmusan tulad ng nabanggit sa itaas, at gayundin ang lahat ng mga kamag-anak na babae sa pagpapasuso, sila ay ipinagbabawal tulad ng pagbabawal sa mga kamag-anak na babae sa angkan, katulad ng tiyahin sa panig ng ama at sa panig ng ina, gayundin ang anak na babae ng kapatid na lalaki, at ang anak na babae ng kapatid na babae sa pagpapasuso. |

Samakatuwid ang mga Mahram na iyon ay ipinapahintulot sa kanila na lumabas sa harapan niya ayon sa kung ano ang nakaugalian na maaring ilantad sa harapan ng mga kamag-anak, tulad ng braso, leeg, buhok at tulad nito, nang walang kakauntian o pagmamalabis sa hangganan. |
3
Na ang babae ay hindi kaanu-ano para sa kanya:
Ang babaeng hindi kaanu-ano ay ang lahat na babae na hindi naibibilang sa kanyang mga Mahram, maging ito man ay kabilang sa mga kamag-anak niya, tulad ng anak na babae ng kanyang tiyuhin at tiyahin sa panig ng kanyang ama, o anak na babae ng kanyang tiyuhin at tiyahin sa panig ng kanyang ina, gayundin ang asawa ng kanyang kapatid na lalaki at mga kamag-anak ng pamilya, o ang mga hindi niya kamag-anak at walang nag-uugnay sa kanya sa mga ito na ugnayang pagkakamaganak o pagkakaanib ng pamilya.
At sa katunayan ang Islam ay naglagay ng mga patakaran at mga batas na siyang maghahatol sa ugnayan ng isang Muslim sa isang babaeng banyaga, bilang pangangalaga sa dangal at nagsisilbing panangga sa mga pintuan ni Satanas laban sa tao, kaya sinuman ang lumikha sa tao ay Siyang higit na nakaaalam sa kung ano ang makabubuti para sa kanya. Batay sa sinabi ng Kataastaasang (Allah): {Hindi baga Niya nababatid ang Kanyang nilikha? At Siya ang Tigib ng Kabaitan, ang Lubos na Nakababatid (sa lahat ng bagay)}. Al-Mulk (67): 14
At araw-araw ating nababasa ang mga ulat at mga statistiko ng mga kaso tungkol sa panggagahasa at mga makasalanang relasyon na sumisira sa maraming pamilya at mga lipunan na hindi nagpapatupad sa mga Batas ng Allah. |
Ang mga patakaran ng ugnayan sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babaeng banyaga (hindi kaanu-ano)
1
Ang pagbaba ng paningin:
Kaya kinakailangan para sa isang Muslim na huwag tumingin sa mga Awrah (maselang bahagi ng katawan), at huwag tumingin sa anumang pumupukaw ng pagnanasa sa sarili, at huwag tumingin nang matagal sa isang babae na hindi naman dapat kailangan.
At katotohanang ipinag-utos ng Allah sa dalawang kasarian (lalaki’t babae) ang pagbaba ng kanilang mga paningin, sapagka’t ito ay pamamaraan ng pananatili sa kalinisang-puri at pangangalaga sa mga dangal, kung saan ang pagpapahintulot ng paningin nang walang hangganan ay daan ng mga kasalanan at mga kahalayan. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi:
{Sabihin mo sa mga naniniwalang lalaki na kanilang ibaba ang kanilang mga paningin [sa mga bawal na bagay], at pangalagaan ang kanilang mga maseselang bahagi ng katawan [upang hindi makagawa ng kahalayan]. Iyan ay higit na dalisay para sa kanila. Katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakababatid sa anumang kanilang mga ginagawa.
At sabihin mo sa mga naniniwalang babae na kanilang ibaba ang kanilang mga paningin [sa mga bawal na bagay], at pangalagaan ang kanilang maseselang bahagi ng katawan, [upang hindi makagawa ng kahalayan]}. Surah An-Nur (24): 30-31
At kung mangyari man, at sa di-sinasadya ay napatingin ang isang babae, magkagayon kinakailangan para sa kanya na kanyang ilihis ang kanyang paningin sa babae, sapagka’t katotohanan, ang pagbaba ng paningin ay sumasaklaw sa lahat ng bagay na maaaring umakay [o pumupukaw] sa pagnanasang sekwal na ipinakikita sa mga media at internet.
2
Ang pakikitungo ayon sa kagandahang asal at pag-uugali:
Kaya maaari niyang kausapin ang babaeng hindi niya kaanu-ano, at maaari rin siyang kausapin nito, at kapwa silang makitungo sa isa’t isa sa kagandahang asal at pag-uugali, kalakip ang paglayo sa lahat ng nakakapukaw ng mga pagnanasang sekswal sa pamamagitan ng anupamang pamamaraan, at dahil dito:
- Pinagbawalan ng Allah ang mga kababaihan mula sa mga malalambing at malalambot na pananalita kapag nakikipag-usap sa mga di-kaanu anong kalalakihan, at pinag-utusan na maging maliwanag sa salita. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {Kaya’t huwag kayong maging malambing sa (inyong) pagsasalita (sa mga lalaki), at baka siya na ang puso ay may karamdaman (may hangarin ng kalaswaan, pagkukunwari) ay magnasa (ng kahalayan); datapuwa’t mangusap kayo (sa kanila) ng marangal na salita}. Al-Ahzab (33): 32
- Ipinagbawal nito ang nakakaakit na mga galaw sa paglakad at pagkilos, at paglantad ng ilang mga uri ng pagpapalamuti. Ang Kataas-taasang (Allah): {At huwag nilang hayaang ipadyak ang kanilang mga paa upang kanilang mailantad ang anumang kanilang ikinukubling palamuti [ganda]}.Surah An-Nur (24): 31
3
Ang pagbabawal sa Al-Khulwah (pag-iisa):
At ang kahulugan ng Khulwah ay ang pag-iisa ng lalaki at isang babaeng (hindi kaanu-ano) sa isang lugar na walang nakakakita sa kanila rito na isa man, at tunay na ipinagbawal ng Islam ang Khulwah, sapagka’t ito ay isa sa mga pintuan ni Satanas upang mahulog sa kahalayan. Siya ﷺ ay nagsabi: “Maging maingat! Huwag mapag-isa ang isang lalaki at isang babae maliban na ang kanilang ikatlo ay si Satanas”. (At-Tirmidi: 2165)

4
Al-Hijab (Ang Pagsusuot ng Takip):
Ipinag-uutos ng Allah ang Hijab (pagsusuot ng takip) sa babae at hindi sa lalaki, sa dahilang ang babae ay nauugnay sa mga aspeto ng kagandahan at ng tukso, na naghahatid sa mga kalalakihan na makagawa ng gma gawaing makasalanan.
At katotohanang isinabatas ng Allah ang Hijab para sa ilang mga layunin, ang ilan dito:
- Upang kanyang malayang maipatupad ang kanyang mabubuting mithiin sa buhay at sa komunidad sa iba’t ibang larangan ng agham at pag-aaral sa magandang pamamaraan kaalinsabay ng pangangalaga sa kanyang karangalan at kalinisang-puri.
- Upang kanilang masugpo ang mga oportunidad ng tukso at kaguluhan sa gayong ay kanilang matiyak ang kalinisan ng pamayanan sa isang dako, at mapangalagaan ang karangalan ng babae sa kabilang dako.
- Upang kanilang matulungan ang mga kalalakihang tumitingin sa babae na magkaroon ng pagpigil sa kanilang mga sarili at sa gayon sila ay pakikitunguhan nang may paggalang at may karangalan at hindi sila ituring bilang isang kasangkapan nang-aakit at nanunukso sa mga kalalakihan.

Naglagay ang Islam ng mga batas na magpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng lalaki at babae.
Ang Mga Hangganan ng Hijab (pagsusuot ng Takip)
Ipinag-utos ng Allah [bilang tungkulin] para sa babae na makikipagharap ng mga di kaanu-anong kalalakihan na takpan ang lahat ng kanyang katawan maliban sa kanyang mukha at mga kamay. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {At huwag nilang iladlad ang kanilang palamuti [ganda] maliban sa [kailangang] ilitaw }. Surah An-Nur (24): 31
At ang kung ano ang marapat na nakalitaw: ito ay ang mukha at ang mga kamay, maliban kung may tukso sa paglalantad ng mukha at mga kamay, magkagayon sa sandaling iyon ay ipinag-uutos ang pagtatakip dito.
Ang Mga Patakaran ng Hijab na pantakip
Ipinahihintulot sa babae na magsuot ng anumang nais niyang kulay sa Hijab ayon sa mga sumusunod na patakaran:
1
Na ang Hijab ay nararapat na matakpan nito ang mga bahagi ng katawan na sadyang kailangang matakpan sa publiko.
2
Na ito ay nararapat na maluwag at hindi masikip [o nahahapit] upang huwag na hindi mababanaag ang hubog ng katawan.
3
Na ito ay hindi manipis na nababanaag ang hubog [at loob] ng katawan.