Ang Katayuan ng Pamilya sa Islam

Ang Katayuan ng Pamilya sa Islam


Nakikita ang Pangangalaga ng Islam sa Pamilya Nang Ayon sa Mga Sumusunod:

1

Pinahalagahan ng Islam ang prinsipyo ng pag-aasawa at ang pagbuo ng pamilya, at ito ay itinuring bilang isa sa pinakadakilang gawain at isang kaparaanan ng mga Propeta. Batay sa sinabi niya ﷺ : “Nguni’t ako ay nag-aayuno at kumakain (pagkaraan ng pag-aayuno, nagsasagawa ng Salaah (pagdarasal) at nagpapahinga, at gayundin ako ay nag-aasawa ng mga babae, kaya sinuman ang tumanggi sa aking Sunnah (kaparaanan), magkagayon siya ay hindi kabilang sa akin [sa aking Ummah]”. (Al-Bukhari: 4776 – Muslim: 1401)

  • Itinuring ng Qur’an na kabilang sa pinakadakila na mga biyaya at mga Tanda ang anumang nilikha ng Allah na kapanatagan, pag-ibig, habag at kagalakan sa pagitan ng lalaki at ng kanyang asawa. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi:{At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan], na Kanyang nilikha para sa inyo ang mga asawang nagmula [rin] sa inyong mga sarili, upang inyong matagpuan sa kanila ang kapanatagan [ng loob] at Kanyang inilagay sa inyong pagitan ang pagmamahal at habag}. Surah Ar-Rum (30): 21
  • At ipinag-utos nito na pagaanin ang pag-aasawa at tulungan ang sinumang nagnanais na makasal upang mapangalagaan ang kalinisang-puri ng kanyang sarili. Batay sa sinabi niya ﷺ : “Mayroong tatlong tao na tiyak na tutulungan ng Allah” at kabilang sa tatlong ito ay ang isang nagnanais mag-asawa upang kanyang pangalagaan ang kalinisan ng kanyang puri”. (At-Tirmidhi: 1655)

    Itinuring ng Qur’an ang kapanatagan, pag-ibig at ang habag sa pagitan ng mag-asawa na kabilang sa pinakadakilang mga biyaya.

  • Ipinag-utos nito sa mga kabataan ang pag-aasawa, sapagka’t ang pag-aasawa ay siyang tamang lunas upang kanialng mapigilan ang kanilang masidhing pagnanasang sekswal at upang kanilang matagpuan ang katiwasayan mula sa kanilang mga asawa.

2

Ipinagkaloob ng Islam sa bawa’t miyembro ng pamilya ang lubos na paggalang, maging ito man ay lalaki o babae:

Kaya itinakda ng Islam sa ama at ina ang dakilang tungkuling disiplinahin ang kanilang mga anak. Naiulat ni Abdullah ibn Umar (sumakanila nawa ang lugod ng Allah), na kanyang narinig sa Sugo ng Allah ﷺ na nagsasabi: “Ang bawa’t isa sa inyo ay tagapag-alaga, at may pananagutan sa kanyang inaalagaan, kung gayon ang babae ay tagapag-alaga ng bahay ng kanyang asawa, kaya siya ay may pananagutan sa kanyang inaalagaan, gayundin ang isang tagapaglingkod sa ari-arian ng kanyang amo ay tagapangalaga, kaya siya ay may pananagutan sa kanyang inaalagaan”. (Al-Bukhari: 853 – Muslim: 1829)

3

Sadyang masigasig ang Islam sa pagtatanim ng prinsipyo ng pagpapahalaga at paggalang para sa mga ama at mga ina, at ang pagtaguyod para sa pag-aalaga sa kanila at pagsunod sa kanilang pag-uutos hanggang sa kamatayan:

At kahit man lumaki na ang anak na lalaki o babae, ipinag-uutos sa kanila ang pagsunod sa kanilang mga magulang at maging mabuti sa kanila, sa katunayan, iniugnay ang kabaitan at paggalang sa kanila bilang pagsamba sa Kanya [sa Allah ang Tigib ng Kaluwalhatian], at ipinagbawal ang pagmamalabis sa salita at gawa sa kanilang dalawa, kahit pa man ito ay sa pamamagitan ng pagpapahayag ng salita o tinig na nagpapahiwatig ng kawalang paggalang sa kanila. Sinabi ng Allah na Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan: {At ang iyong Panginoon ay nagtakda na wala kang sasambahin maliban sa Kanya, at maging mabuti [sa pakikitungo] sa mga magulang. Maging ang isa sa kanila o silang dalawa ay kapwa umabot na sa katandaang gulang. [Habang sila ay] nasa iyong piling, huwag kang mangusap sa kanila ng [salitang kawalang-galang tulad ng] “Uff” [salitang may pagkayamot], at huwag mo silang hiyawan [o sigawan] bagkus mangusap sa kanila ng salitang kapita-pitagan}. Surah Al-Isra’ (17): 23

4

Ipinag-utos nito ang pangangalaga sa mga karapatan ng mga anak na lalaki at mga babae, at ipinag-utos ang pagiging makatarungan sa kanilang pagitan hinggil sa paggugol at maging sa mga bagay na materyal.

5

Ipinag-utos nito sa isang Muslim na pag-ibayuhin ang ugnayan ng pagkakamag-anak, ang kahulugan nito: Magpatuloy ang tao sa pagmamagandaang-loob niya sa kanyang mga malalapit na kamag-anak sa panig ng kanyang ama at ina:

Tulad ng kanyang mga kapatid na lalaki at mga babae, mga tiyuhin niya at tiyahin sa panig ng kanyang ama, gayundin ang kanilang mga anak, mga tiyuhin niya at tiyahin sa panig ng kanyang ina, gayundin ang kanilang mga anak, at itinuring ito na kabilang sa pinakadakilang gawaing pagpapalapit at pagsunod, at nag pagtatakwil sa kanila o sa pang-aabuso sa kanila ay itinuring bilang isa sa mga malalaking kasalanan. Siya ﷺ ay nagsabi: “Hindi makapapasok sa Paraiso ang nagtatakwil sa pagkakamag-anak”. (Al-Bukhari: 5638 – Muslim: 2556)

Itinanim ng Islam ang prinsipyo ng pagpapahalaga sa mga ama at mga ina.