Ang mga Rukn (haligi) ng Salaah, at ang mga Wajib (Pangangailangang Patakaran) na dapat gawin dito

Ang mga Rukn (haligi) ng Salaah, at ang mga Wajib (Pangangailangang Patakaran) na dapat gawin dito


Ang mga Rukn ng Salaah: Ito ang mga pangunahing bahagi ng Salaah na maaaring masira ang Salaah dahil sa pag-iwan dito, maging sinasadya man o sanhi ng pagkakamali.


At ito ay tulad ng mga sumusunod:

Ang Takbiratul Ihram (panimulang Takbir), ang pagtayo hanggang makakaya, ang pagbigkas sa Al-Fatihah sa hindi Ma’mum (sumusunod), ang pagyukod, ang pag-angat mula sa pagkakayukod, ang pagpapatirapa, ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa, ang huling Tashahhud at pag-upo para rito, ang kapanatagan at ang Taslim (pagsabi ng assalaamu `alaykum wa rahmatullaah).


Ang mga Wajib (nararapat at kailangang) gawain sa Salaah: At ito ay ang mga kailangang bahagi sa Salaah, na maaaring makasira sa Salaah dahil sa pag-iwan dito nang sinasadya, nguni’t kung nakalimutan o nakaligtaan ito, magkagayon ipinag-uutos sa kanya kung ano ang makapagpapaganap sa kakulangan na ito sa pamamagitan ng Sujud As-Sahu (dalawang karagdagang pagpapatirapa sanhi ng pagkakamali), tulad ng mga sumusunod:

Ang mga Wajib (nararapat at kailangang) gawin sa Salaah ay tulad ng sumusunod: Ang lahat ng mga Takbir maliban sa Takbiratul Ihram, ang pagbigkas ng Subhaana rabbiyal `adheem nang isang beses, ang pagbigkas ng Sami `allaahu liman hamidah para sa nag-iisang nagdarasal o Imam, ang pagbigkas ng Rabbanaa wa lakal hamd para sa lahat, ang pagbigkas ng Subhaana rabbiyal a`alaa nang isang beses sa pagpapatirapa, ang pagbigkas ng Rabbigh fir lee nang isang beses sa pagkakaupo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa, sa unang Tashahhud. Samakatuwid ito ang mga Wajib [kailangan] na maaaring palagpasin sa pamamagitan ng As-Sahu, subali’t mahigpit na itinatagubilin nito ang pagsasagawa sa Sujud As-Sahu.


Ang mga Sunnah (kaaya-aya nguni’t hindi tungkulin) sa Salaah: Ang lahat ng hindi kabilang sa mga Rukn at mga Wajib sa Salaah, maging mga salita o mga gawa, ito ay Sunnah (hindi tungkulin) na nagsisilbing pangganap sa Salaah, na dapat pangalagaan, nguni’t ang Salaah ay hindi nasisira dahil sa di-pagtupad nito.

Ang Sujud As-Sahu:

Ito ay dalawang pagpapatirapa na itinagubilin ng Allah upang mapunan [at gampanan] ang pagkukulang at pagkakamali sa Salaah.


Kailan itinagubilin?

Ipinag-utos ang Sujud As-Sahu sa mga kalagayang sumusunod:

1

Kapag nakapagdagdag ang sinuman sa Salaah ng isang pagyukod, o pagpapatirapa, o pagtayo, o pag-upo bunga ng di-sinadyang pagkalimot o pagkakamali, magkagayon siya ay magsasagawa ng Sujud As-Sahu.

2

Kapag nabawasan ng isa ang mga Rukn (haligi ng Salaah), sa gayon tungkuling isagawa ang nabawas na Rukn, at magsagawa ng Sujud As-Sahu sa hulihan ng kanyang Salaah.

3

Kapag nakapag-iwan siya ng isa sa mga Wajib [kailangan] ng Salaah, tulad ng unang Tashahhud sanhi ng pagkakamali o pagkalimot, sa gayon kailangan niyang magsagawa ng Sujud As-Sahu.

4

Kapag nag-alinlangan sa bilang ng mga Rak`ah, sa gayon siya ay magpapasiya kung ano ang pinakatiyak, at ito ay ang pinakamababang bilang [ng Rak’ah na kanyang nagawa], kaya dapat magsagawa ng Sujud As-Sahu.


Ang pamamaraan ng naturang Sujud (pagpapatirapa): Magpatirapa ng dalawang pagpapatirapa, maupo sa pagitan nito tulad ng pagpapatirapa at pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa sa Salaah.


Ang oras ng Sujud (pagpapatirapa): Ang Sujud As-Sahu ay may dalawang oras, maaari niyang isagawa ito alinmang nais rito:

  • Bago ang Salaam (Taslim) at pagkatapos ng huling Tashahhud, magpatirapa at pagkatapos ay magsagawa ng Taslim.
  • Pagkatapos ay magsagawa ng Taslim sa Salaah, dapat magsagawa ng dalawang pagpapatirapa bilang Sujud As-Sahu, pagkatapos ay muling magsagawa ng Taslim.

Ang Mga Nakakasira sa Salaah


1

Mawawalan ng saysay ang Salaah dahil sa di-pagsagawa sa isang Rukn (haligi ng Salaah) o Shart (patakaran), samantalang kaya niya itong isagawa, maging sinadya o nagkamali.

2

Mawawalan din ito ng saysay dahil sa di-pagsagawa sa isa sa mga Wajib (kailangang gawain) sa Salaah nang sinasadya.

3

Mawawalan ng saysay ang Salaah dahil sa pagsasalita nang sinasadya.

4

Mawawalan ng saysay ang Salaah dahil sa Qahqahah, ito ay ang pagtawa na may tinig.

5

Mawawalan ng saysay ito dahil sa mga walang kabuluhang paggalaw, kapag ito ay marami na magkasunud-sunod na hindi naman kanais-nais.


Ang Mga Kinamumuhian sa [oras ng] Salaah


Ito ay ang mga gawain na nakapagbabawas ng gantimpala ng Salaah, at pinapawi nito ang kapakumbabaan at kataimtiman nito. At ito ay tulad ng sumusunod:

1

Kinamumuhian ang paglingun-lingon habang nasa Salaah; sapagka’t ang Propeta r ay tinanong tungkol sa paglingun-lingon sa Salaah? Siya ay nagsabi: “Ito ay pagnanakaw na ninanakaw ni Satanas sa Salaah ng isang alipin”. (Al-Bukhari: 718)

2

Kinamumuhian ang paglalaro sa pamamagitan ng kamay at mukha, at ang paglagay ng kamay sa baywang, at pagpilipit ng kanyang mga daliri, at pagpapalagutok nito.

3

Kinamumuhian ang sinumang pumapasok sa Salaah, samantalang siya ay nagagambala ng mga bagay tulad kanyang pangangailangan upang tumugon sa tawag ng pangangailangan [pagtungo sa palikuran upang umihi o dumumi], o ang kanyang pangangailangan sa pagkain. Batay sa sinabi ng Propeta r: “Walang [dapat isagawang] Salaah kapag inilalapag na ang pagkain, at gayundin kapag siya ay nasa tawag ng pangangailangan (ang ihi at dumi)”. (Muslim: 560)

Kinamumuhian ang paglalaro sa mukha o kamay habang isinasagawa ang Salaah.