Ang Lugar ng Salaah (Pagdarasal)

Ang Lugar ng Salaah (Pagdarasal)


Ipinag-uutos ng Islam ang pagsasagawa ng Salaah nang sama-sama, at ipinanghihikayat nito na isagawa ito sa Masjid; upang ito ay maging isang pagtitipon at pagsasamahan ng mga Muslim, magkagayon madaragdagan ang bigkis ng pagkakapatiran at pagmamahalan sa kanilang pagitan, at itinakda ito na higit na mainam kaysa sa Salaah ng isang lalaki na nag-iisa. Batay sa sinabi niya r : «Ang Salaah ng isang lalaki sa sama-samang pagdarasal ay nakahihigit kaysa sa Salaah ng nag-iisa nang dalawampu’t pitong antas». (Al-Bukhari: 619 – Muslim: 650 – Ahmad: 5921)

Nguni’t ang Salaah ay maaaring isagawa sa lahat ng lugar, at ito kabilang sa habag ng Allah sa atin. Batay sa sinabi niya r : «At ginawa ang lupa para sa akin bilang lugar ng Masjid (bahay-dalanginan) at dalisay, kaya sinumang lalaki mula sa lipon ng aking pamayanan ang inabutan ng Salaah, magkagayon siya ay nararapat magsagawa ng Salaah». (Al-Bukhari: 328 – Muslim: 521)


Ang Mga Patakaran ng Lugar Para sa Pagsasagawa ng Salaah


Ipinag-utos ng Islam sa lugar na pinagsasagawaan ng Salaah na ang lupa nito ay nararapat na malinis. Ang Allah ay nagsasabi: {At Aming ipinag-utos kay Ibrahim (Abraham) at Ismail (Ismael) na dalisayin (linisin) ang Aking bahay [dalanginan] para sa mga nagsisipag-ikot sa palibot nito, at sa mga namamalagi rito (sa pag-aalaala sa Allah) at nagsisiyukod (sa kanilang pagdarasal), na nagpapatirapa (sa pagdalangin)}. Surah Al-Baqarah (2): 125

Bilang pangkalahatang Batas ng Islam, kapag tayo ay naglalayong magsagawa ng pagdarasal ating isinasaalang-alang ang lugar bilang malinis maliban na lamang kung ating nababanaagan dito ang karumihan at tayo ay nag-aalinlangan sa pagiging malinis nito samakatuwid, kung walang dahilan upang ang isang lugar ay ituring na marumi, magkagayon ating pinahihintulutang isagawa rito ang pagdarasal na wala ng kailangan pang sapinan ang lapag nito o gamitan ng pansapin.


At may ilang mga pangkalahatang patakaran na kailangang pangalagaan, at ang ilan dito:

1

Ang isang Muslim ay hindi dapat magsagawa ng pagdarasal sa isang lugar na kung saan ay maaari niyang abalahin ang mga tao tulad ng mataong lugar, dinaraanan ng tao o lugar na ipinagbabawal ang pag-istambay dito na nagiging sanhi ng pagka-abala at siksikan sa mga tao, samantalang ang Sugo ng Allah r ay ipinagbabawal ang pananakit at pamiminsala. Siya ay nagsasabi: «Walang pinsalang [dapat mangyari] at walang pamiminsalang [dapat iganti]». (Ibnu Majah: 2340 – Ahmad: 2865).

2

Ang lugar ay nararapat na malaya mula sa mga bagay na nagdudulot ng kaguluhan o pagkagambala sa Salaah, tulad ng mga larawan o mga malalakas na tinig at musika.

3

Sinumang Muslim ay hindi dapat magsagawa ng pagdarasal sa lugar na ang gawaing pagsamba ay pinagtatawanan, at kinukutya tulad ng isang lugar na kung saan naroroon ang mga naglalasing o ng mga mapanuya samantalang ang Allah ay ipinagbabawal ang panlalait sa mga sinasamba ng mga di-Muslim upang sila ay hindi mangahas na gumanting lapastanganin o alipustain ang Allah dahil sa kanilang kawalan ng kaalaman. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {At huwag ninyong alipustain [o lapastanganin] yaong kanilang mga tinatawagan (sinasamba) bukod sa Allah, baka kanilang alipustain [o lapastanganin] ang Allah nang walang kaalaman}. Al-An`am (6): 108

4

Sinumang Muslim ay hindi dapat magsagawa ng Salaah sa isang lugar na itinalaga o itinayo para sa mga gumagawa ng mga gawaing makasalanan, tulad ng mga bahay-aliwan at disco [o sugalan at mga beerhouse], magkagayon kinamumuhian ang pagsasagawa rito ng Salaah.


> Ang Lugar ng Salaah (Pagdarasal)



  • May Kakayahan ka Bang Magsagawa ng Salaah sa Masjid (bahay-dalanginan) Nang sama-sama?
    • Oo

      Binibigyang-diin para sa lalaki ang pagsasagawa ng Salaah nang sama-sama, at ito ay kabilang sa mga pinakadakilang gawain at kalugud-lugod sa Allah, at ito ay ipinahihintulot sa mga kababaihan.

    • Hindi

      Kapag hindi mo kayang isagawa ito sa Masjid, magkagayon ba’y ang ibang lugar ay Najs (marumi)?

      • Oo

        Ipinagbabawal ang pagsasagawa ng Salaah sa maruruming lugar, sapagka't ang Allah ay nag-uutos sa atin ng paglilinis para sa Salaah.

      • Hindi

        Kapag ang lugar ay hindi marumi, ang pagsasagawa ba rito ng Salaah ay hindi nakapipinsala sa mga tao, sa kadahilang ito ay kanilang dinaraanan halimbawa?

        • Oo

          Ipinagbabawal ang pamiminsala [o pangagambala] sa mga tao at ang panggigipit sa kanila maging sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Salaah, kaya dapat pumili ng ibang lugar na hindi makapipinsala o makakagambala sa mga tao.

        • Hindi

          Mayroon bang mga nakakaabala [o nakakagambala] sa iyo sa lugar na iyong pinagsasagawaan ng Salaah, tulad ng mga larawan at malalakas na boses?

          • Oo

            Dapat na lumayo sa lahat ng nagbibigay ng pang-aabala [at paggambala] sa nagsasagawa ng Salaah, at mga bagay na nakapaglilihis sa kanya sa kataimtiman ng kanyang pagdarasal.

          • Hindi

            Kabilang sa mga partikular na katangian ng pamayanang ito at habag ng Allah dito, ay ang pagtakda Niya sa Salaah na tanggap ito sa alinmang lugar sa kalupaan.