Ang Itinutuirng Bilang Mga Pagkaing-dagat ay ang Hindi Nabubuhay Maliban sa Tubig, at Hindi Maaaring Mabuhay at Manatili sa Lupa.
At ang Tinutukoy na Dagat ay ang Malaking Katawan ng Tubig, kaya kabilang dito ang Mga Ilog, Dagat-dagatan at mga Sapa at ang iba pa may Malaking Tubig.
Samakatuwid, ang lahat ng mga naturang pagkaing-dagat, maging ito ay hayop o halaman na nakuha o natagpuang patay na, ay pinahihintulutan bilang pagkain hangga’t ito ay hindi nagdudulot ng kapinsalaan sa kalusugan.
Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: { Ipinahihintulot para sa inyo ang panghuhuli [ng lamang-tubig] sa dagat at ang pagkain nito bilang panustos para sa inyo}. Surah Al-Ma`idah (5): 96
Ang panghuhuli [o pamimingwit at pangingisda] ay tumutkoy sa mga nahuhuling buhay dito, at ang mga ‘pagkain’ dito ay tumutukoy sa mga patay na hayop-dagat.