Sa pangkalahatang pananaw ng Batas na Islam, ang lahat ng pagkain at inumin ay Halaal (malilinis at pinahihintulutan) maliban sa anumang ipinagbawal nito sanhi ng kapinsalaang idinudulot nito sa tao, sa kanyang kalusugan, sa asal [at ugali] at sa kanyang relihiyon [o pananampalataya]. Sa katotohanan, ang Dakialng Allah ay nagpaalala sa atin na Siya ang lumikha ng lahat ng bagay na nasa kalupaan at nasa ibabaw nito upang ito ay ating pakinabangan maliban sa mga bagay na Kanyang ipinagbawal sa atin. Siya (ang Allah) ay nagsabi: {Siya ang lumikha ng lahat ng anumang nasa kalupaan para sa inyo}. Surah Al-Baqarah (2): 29
