
At katotohanan, mahigpit na ipinagbawal ng Islam ang ganitong uri ng kasunduan upang hadlangan ang mga pamamaraang di-pagkakasunduan at ang lahat ng uri ng kawalan ng katarungan at paniniil. Sa katunayan, ito ay ipinagbawal kahit pa man ito ay nakasanayan na o naging kaugalian na ng mga tao, sapagka’t tunay na ipinagbawal ng Propeta ﷺ ang bilihan na kinasasangkutan ng panlilinlang. (Muslim: 1513)
Ang Mga Halimbawa ng Bilihan na Kinasasangkutan ng Kawalang-kabatiran [o Kawalan ng Katiyakan]
1
Ang bilihan ng mga bunga [tulad ng mga prutas o mga aanihing butil tulad ng palay, mais o trigo] bago pa anihin o mahinog at handa ng pitasin. Katunayan, ipinagbawal ng Propeta ang pagbili ng bungangdatiles hanggang maging malinaw ang pagkahinog nito at angkop na para kainin sapagka’t mayroong pagkakataon na ito ay makaranas ng pagkabulok at hindi mahinog.
2
Ang pagbabayad ng mga ilang halaga ng salapi upang bumili ng isang kahon na hindi nalalaman kung ano ang halaga ng mga laman nito, maaaring ito ay isang mamahaling bagay o walang halagang bagay.
Ang Mga Pangyayari o [Mga Pagkakataong] Kung Saan ang Kawalang Kabatiran [o Kamuwangan] ay Makapagdulot ng Pag-aalinlangan sa Kasunduan
Ang kawalang kabatiran at kawalang katiyakan [Gharar] ay nakapagdudulot lamang ng pag-aalinlangan sa kasunduan at itinuturing na bawal kapag ang kasunduan ay maramihan at kung ito ay nauukol sa nilalaman ng kasunduan.
Kaya ipinahihintulot sa isang Muslim na bumili ng isang bahay halimbawa, kahit hindi niya nalalaman ang uri ng mga materyales na ginamit sa pagkakatayo ng bahay o sa pagpipintura at ng nakakatulad nito, sapagka’t ang kawalang kabatirang ito ay maliit lamang, at hindi ito nagbibigay ng alinlangan sa nilalaman ng kasunduan.