Ang Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadhan

Ang Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadhan

Ang Kahulugan ng Pag-aayuno


Ang Kahulugan ng Pag-aayuno sa Islam: Ito ay isang uri ng Ibadah [o gawang pagsamba] sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil at pag-iwas mula sa pagkain, inumin, pakikipagtalik at sa iba pang nakasisira sa pag-aayuno simula sa pagsapit ng Fajr (madaling araw) – ito ay ang pagtawag ng Adhan sa madaling araw – hanggang sa paglubog ng araw – at ito ay ang oras ng pagtawag ng Adhan sa Maghrib.


Ang Kabutihan ng Buwan ng Ramadhan


Ang buwan ng Ramadhan ay ikasiyam na buwan sa mga lunar na buwan ng Islamikong Kalendaryo, at ito ang pinakamainam sa mga buwan ng taon. Itinangi ng Allah dito ang maraming kabutihan bukod sa iba pang mga buwan, at ang ilan sa mga naturang kabutihan nito ay:

1

Ito ang buwan na itinangi ng Allah dahil sa kapahayagan ng pinakadakila at pinakamarangal mula sa mga Banal na Kasulatan: ang Qur’an. Ang Allah ay nagsabi: {Buwan ng Ramadhan [nang] ipinahayag ang Qur’an, [ito ay nagsisilbing] patnubay para sa sangkatauhan at [bilang] mga malilinaw na katibayan ng patnubay at pamantayan [sa pagitan ng wasto at mali]. Kaya, sinuman sa inyo ang nakatanaw sa [bagong buwan ng] buwan [ng Ramadhan], siya ay nararapat na mag-ayuno}. Al-Baqarah (2): 185

2

Sinabi ng Propeta ﷺ : «Kapag sumapit ang Ramadhan, binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso at isinasara ang mga pintuan ng Impiyerno at ikinakadena ang mga demonyo». (Al-Bukhari: 3103 – Muslim: 1079), tunay na inihanda ng Allah para sa Kanyang mga alipin ang pagsalubong dito sa pamamagitan ng pagpapatupad sa mga gawaing Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa mga ipinagbabawal Niya.

3

Na sinuman ang nag-ayuno sa maghapon nito at nagsagawa ng mga pagdarasal sa bawa’t gabi ng buwan nito, patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan. Sinabi ng Propeta ﷺ : «Sinuman ang nag-ayuno sa Ramadhan nang may paniniwala at pag-asang pagpalain ay patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan». (Al-Bukhari: 1910 – Muslim: 760). At sinabi pa niya ﷺ : «Sinuman ang nagtaguyod ng Ramadhan nang may paniniwala at pag-asang pagpalain ay patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan». (Al-Bukhari: 1905– Muslim: 759)

4

Na naririto ang pinakadakila sa lahat ng mga gabi ng buong taon: ang Laylatul Qadr (ang Dakilang Gabi o ang Gabi ng Kapasiyahan), na ipinabatid ng Allah sa Kanyang Aklat na ang isang nagagawang mabuting gawa rito ay higit na mabuti kaysa sa isang nagawa sa maraming panahon. Siya ay nagsabi: {Ang Laylatul Qadr ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan}. Al-Qadr (97): 3, kaya sinuman ang nagtaguyod nito nang may paniniwala at pag-asang pagpalain, patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan, at ito ay sa gabi ng huling sampung gabi ng Ramadhan at walang sinuman ang nakakaalam nang may katiyakan sa takdang oras nito.