Ang kasuutan ng isang Muslim ay nararapat na pagtuunang pansin ang maganda [maayos] at malinis na pananamit, lalung-lalo na sa kanyang pakikipag-ugnayan [o pakikiharap] sa mga tao at sa pagsasagawa ng kanyang Salaah (pagdarasal). Batay sa sinabi ng Kataas-taasang Allah:
{O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng palamuti [maayos na damit sa pagtungo], sa bawa’t masjid (na inyong pagdarasalan]}. Surah Al-A`raf (7): 31
At katotohanan, [bilang Batas] itinagubilin ng Allah sa tao na siya ay dapat mag-ayos [o magpaganda] ng kanyang kasuutan at bikas, sapagka’t ito ay kabilang sa paglalarawan [at palatandaan] ng mga biyaya ng Allah. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi:
{Sabihin mo [O Muhammad]: Sino ba ang nagbabawal sa palamuti ng Allah, na Kanyang inililitaw [ipinasusuot] para sa Kanyang mga alipin, at sa mga mabubuting [bagay na] nagmula sa panustos? Sabihin: “Ang mga ito ay para sa mga naniniwala sa makamundong buhay, [at] natatangi para sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay na Muli.” Ganyan Namin ipinaliliwanag [sa masusing paraan] ang ayaat [mga aral, tanda] para sa mga taong nakaaalam}. Surah Al-A`raf (7): 32
Ang Pananamit ay Nagbibigay ng Maraming Bilang ng Mabuting Layunin
1Tinatakpan nito ang ilan sa mga partikular na bahagi sa katawan ng tao mula sa paningin ng mga tao, sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan ng kahinhinan. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {O mga anak ni Adan, katiyakan na Aming ibinaba sa inyo ang saplot [kasuutan] upang ikubli ang inyong mga maseselang bahagi [ng katawan] at bilang palamuti}. Surah Al-A`raf (7): 26 2Pinangangalagaan nito ang katawan ng tao laban sa init, lamig at kapinsalaan, sapagka’t ang lamig at init ay bunga ng pabagu-bago ng hangin, at ang kapinsalaan naman ay pag-aabuso sa katawan ng tao. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi tungkol sa kabutihan ng kasuutan: {… at Kanyang ginawa para sa inyo ang mga kasuutan upang kayo ay isanggalang laban sa init at [ginawa rin] ang mga kasuutang baluti upang kayo ay isanggalang mula sa inyong [mga kaaway] sa [panahon ng] digmaan. Kaya, ganyan Niya ginagawang ganap ang Kanyang pagpapala sa inyo upang sakali kayo ay tumalima [sa Kanyang kautusan]}. Surah An-Nahl (16): 81 |
![]() > Ang kasuutan ay nagbibigay sa tao ng mga di-mabilang na pakinabang [at kabutihan]. |